Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2291

“Humiling si Bonnie na iligtas ko siya dahil pinilit siya ni Jim na magpakasal sila, sinabi niya pa na magiging huli ang lahat kapag hindi agad ako pumunta. Naglagay pa siya ng mga headline ng dyaryo ng Merchant City para makita ko, mga report na tungkol sa pagpapakasal nila Bonnie at Jim.” Pumikit si Christopher, at ang boses niya ay naging masungit habang nagpatuloy siya, “Sinabi niya rin na papakasalan niya si Jim kung gusto niya, at ang reason na pumipigil sa kanya ay dahil ayaw niya. Ngayon, gusto siyang pagsamantalahan ni Jim habang may sakit siya.” Dumilat si Christopher at tumingin siya ng masama kay Joshua. “Hindi ko makalma ang sarili ko pagkatapos ko mabasa ang email. Hindi ko ito matanggap. Sa huli, ayaw ni Aunt Rosalyn na bumalik ako dahil ayaw niya na malaman ko ang tungkol sa pagpapakasal nila Jim at Bonnie. Alam niya na mahal ko rin si Bonnie.” “Kung sinabi niya lang sakin na magpapakasal sina Jim at Bonnie, ibibigay ko pa ang basbas ko sa kanila, pero bakit niya ito kailangan itago mula sa akin? Bakit gusto niya akong manatili sa Lincoln City?” Halata na malungkot at basag ang puso ni Christopher. Kinagat niya ang labi niya at pinagdikit niya ang mga kamay niya. “Hindi ganito mag isip ang nanay ko.” “Ano pala ang rason?” Tumingin ng masama si Christopher kay Luna. “Hindi ba’t totoo na tinurukan ng gamot si Bonnie at nasa coma na siya ngayon? Hindi ba’t totoo na anim na araw na lang ang natitira para mabuhay siya? Ito ang katotohanan! Nang mangako si Aunt Rosalyn sa akin na ayos lang si Bonnie at papagalingin niya si Bonnie, ito ay dahil anak niya si Jim, at pamangkin niya lang ako, hindi ba?” Walang masabi si Luna. Nakabukas ang bibig niya nang makita niya kung paano nababaliw na si Christopher. Gusto niyang sabihin na hindi nalason si Bonnie, ngunit pinigilan siya ni Joshua. Tumingin si Joshua kay Luna at umiling siya bago siya lumingon para tumingin kay Christopher. “Alam ko na may pagkamuhi pa rin sa puso mo, pero masyado itong komplikado para ipaliwanag sayo ngayon. Bigyan mo ako ng oras, at ipapaliwanag ko ang lahat sayo kapag nasolusyonan ko na ito.” Pagkatapos, hinawakan ni Joshua ang kamay ni Luna at umalis na siya ng ward. Habang naglalakad sila palayo, lumingon para tumingin ulit kay Christopher. Umupo siya sa sahig habang nakatalikod sa pader, mukha siyang malungkot at problemado. Ito ay para bang nagtitiwala siya sa lahat ng email na sinend sa kanya ng tao na pinaniniwalaan niya ay si Bonnie. “Bakit mo ako pinigilan na sabihin ang katotohanan?” Noong nasa labas sila, galit na inalis ni Luna ang kamay ni Joshua, kumunot ang noo niya. “Mali ang pagkakaintindi ni Christopher sa nanay ko, at bilang anak niya, may obligasyon ako para magpaliwanag sa kanya!” Ngumiti si Joshua habang nakita niya na galit si Luna. Niyakap niya si Luna at hinalikan niya ito sa noo. “Alam ko na hindi mo matiis na isipin na may hindi pagkakaunawaan si Christopher sa nanay mo, pero gawin muna natin itong isang sikreto kay Christopher.” Nabawasan ang galit ni Luna dahil sa pagiging maamo ni Joshua. Gayunpaman, kumunot ang noo niya habang tumingin siya sa mukha nito. “Bakit?” “Dahil…” Tumingin si Joshua sa labas ng bintana at sumingkit ang mga mata niya. “Dahil may gumamit sa pangalan ni Bonnie para kausapin si Christopher, baka gawin nila ulit ito. Kapag nalaman ni Christopher ang katotohanan, malalaman din ito ng gumawa nito.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.