Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2294

Hindi nagsisinungaling si Christopher. Nakatanggap siya ng email mula kay Bonnie. Ang taong nagpapanggap na si Bonnie ay nagpaliwanag ng sitwasyon ni Bonnie: tinurukan ng gamot, nasugatan, at pinilit. Gusto niyang tumanggi sa marriage arrangement kay Jim, pero hindi niya alam kung paano tumanggi. Ang tanging pagasa niya ay si Christopher habang humiling siya na pumunta si Christopher sa Merchant City para maligtas siya nito. Ang mga detalye sa email ay tulad ng kondisyon ngayon ni Bonnie, maliban sa parte na nasa coma siya. Hindi lang sa alam ng gumaya kay Bonnie ang kondisyon ni Bonnie, alam pa nila ang relasyon sa pagitan ng pamilya Landry at ni Bonnie. Alam pa ng gumawa nito kung alin sa mga media company ang may alam ng kasal nila Jim at Bonnie! Kahit si Luna ay hindi alam ang mga detalye nito. Paulit ulit na binasa ni Luna ang email para makahanap ng pagkakamali, ngunit wala siyang nakita. Alam ng nagpapanggap ang lahat ng kagawian, mga salita, at tono sa buong email. Madali nilang naintindihan na naniniwala si Christopher na si Bonnie nga talaga ang nagsend sa kanya ng email, kaya’t sumuway siya kay Rosalyn. “Kaya mo ba talagang… hanapin kung saan galing ang email na ito?” Ang nag aalala na tanong ni Luna habanag nakaupo siya sa tabi ni Joshua, pinapanood niya habang kinabit niya ang phone sa laptop. Alam niya na mas mahusay na hacker si Joshua kaysa kay Nigel, ang ‘Little Hacker Genius’, ngunit nag aalala pa rin siya. Ang paggawa ng pekeng IP address ay madali lang sa tulong ng ilang application mula sa net. Dahil nagsikap ang impostor para gumawa ng pekeng email, siguradong maiisip nila ang isyu tungkol sa IP address. “‘Wag kang mag alala.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at sinimulan niya na maghack sa digital footprint ng impostor habang nakangiti siya. “Kahit na pineke ng impostor ang IP address nila, mahahanap pa rin ito.” Kumunot ang noo ni Luna dahil dito. “Pero sinubukan na itong gawin ni Nigel dati, at may mga pekeng IP address na hindi kayang i-trace.” Ngumiti si Joshua. “Ikaw na ang nagsabi. Hindi dahil hindi kayang i-trace ni Nigel, ay hindi ko rin ito kaya.” Dahil kampante si Joshua at binigay niya ang buong atensyon niya sa pag-trace ng impostor, nagbuntong hininga si Luna at pumunta siya sa sofa sa tabi ng table. Tinawagan niya si Gwen para sabihin dito ang mga nalaman nila mula kay Christopher. Nagtext siya, [Uy, sino sa tingin mo ang impostor?] Sumagot si Gwen, naglagay siya ng emoji na mukhang naiintriga, [May inaway ba sina Jim at Bonnie para magkaroon sila ng kaaway?] [Syempre, balak ng impostor na sirain ang kasal nila.] [Alam niya ang lahat ng tungkol kela Bonnie at Jim, at ayaw niya rin na magkasama sila…] May katahimikan sa mula kay Gwen bago siya nagbigay na potensyal na pangalan kay Luna. [Sa tingin mo ba ay si Sean ‘yun, ang lalaki na tinanggap ng nanay mo bilang isang anak?] Nabigla ng ilang sandali si Luna dahil sa pangalan na ito. Kinagat niya ang labi niya habang ang eksena mula sa isang umaga ay dumating sa isip ni Luna, noong pumunta si Sean sa bahay ni Luna at kumatok ito ng galit, dinemanda na malaman kung magpapakasal si Jim kay Bonnie. Mukhang galit na galit din si Sean. [Pero… Hindi malalaman ni Sean ang password sa email account ni Bonnie.” [Hindi siya isang hacker, kaya hindi niya ito mabubuksan.] Nagsend si Gwen ng emoji na gumugulong ang mga mata. [Gwen: ‘Wag mong kalimutan na siya ng dating pekeng boyfriend ni Bonnie.] [Gwen: Paano kung nag login si Bonnie sa email address niya ng hindi niya ito tinatago mula kay Sean?] [Gwen: Isipin mo ng mabuti: ang tanging rason kung bakit hindi natin alam ang password ay dahil hindi natin naisip na alamin ito. Hindi niya ito tinago sa atin tuwing naglologin siya.] [Gwen: Paano kung sinasadya itong maalala ni Sean nang makita niya ang password ni Bonnie?]

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.