Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2295

Tumibok ng mabilis ang puso ni Luna nang mabasa niya ang pinapahiwatig ni Gwen. ‘Si Sean nga ba talaga?’ Sa kasamaang palad, ayaw itong paniwalaan ni Luna. Ilang oras na ang nakalipas, nakatayo si Sean sa pagitan nila Jim at Christopher at pinigilan niya ang pagsaksak ni Christopher na nakakasakit dapat kay Jim. Kung si Sean nga talaga ang may sala, bakit niya kailangan pigilan si Christopher? [Gwen: Baka hindi niya inaasahan na magiging seryoso ito.] [Gwen: Sa tingin ko ay hindi isang masamang tao si Sean. Baka akala niya na kapag sinabi niya ito kay Christopher, mapipigilan niya na magpakasal sina Bonnie at Jim.] [Gwen: Hindi niya inaasahan na mababaliw si Christopher at sinubukan nitong patayin si Jim, sa tingin ko.] [Gwen: Baka pinigilan niya si Christopher dahil nakonsensya at nagsisi siya.] Kinagat niya ang labi niya at hinawakan niya ng mahigpit ang phone niya habang binabasa niya ang mga message. Alam niya na sinusuri lang ni Gwen ang buong pangyayari ng walang katunayan. Gayunpaman, nasaktan siya nang mabasa niya ang mga hakahakang ito. Ang relasyon nila Jim at Sean ay mas naging mabuti dahil niligtas ni Sean si Jim. Ayaw niyang gumawa ng haka haka na may mga masasamang isipan si Sean. Mas gugustuhin niyang maniwala na niligtas ni Sean si Jim dahil mahalaga sa para kay Sean ang kapatid niya. Gayunpaman, tulad ng binanggit ni Gwen, ang impostor… Walang kahit sino na may parehong motibo ni Sean. Habang iniisip ito, lumingon si Luna. Sinusubukan pa rin ni Joshua na i-trace ang pekeng IP address gamit ang buong atensyon niya. Kinagat niya ang labi niya at huminga siya ng malalim. “Joshua.” Tumigil ng ilang sandali si Joshua habang nagt-type siya sa keyboard, pagkatapos ay nagpatuloy siya. “Ano ‘yun?” “Gusto kong itanong sayo…” Tumahimik si Luna ng ilang sandali habang tumingin siya kay Joshua. “Ano ang tingin mo kay Sean?” “Bakit bigla mo ito tinanong?” Nakatitig si Joshua sa monitor ng hindi man lang napapansin ang emosyon ni Luna. “Isang mabuting bata si Sean, at anak din siya ng tita ko. Medyo mapagrebelde siya, at may pagtatalo sila ni Jim, pero alam ko na hindi siya isang masamang tao sa unang beses ko siyang nakilala.” Kung hindi, hindi sana aalukin ni Joshua na maging driver si Sean dahil lang niligtas ni Sean si Bonnie. Pinili niya si Sean dahil may pamilyar siyang pakiramdam, at… Naniniwala siya na isang mabait at maamong lalaki si Sean. Sa mga oras na ‘yun, hindi niya inaasahan na si Sean ang pangalawang anak ng tita niya. Hindi mapakali si Luna dahil sa sagot ni Joshua. Halata na gusto ni Joshua si Sean. Kung si Sean talaga ang impostor, ang pagdating niya ay hindi nagpakita kung anong klaseng tao siya. Madidismaya si Joshua kung si Sean nga talaga ang impostor. Habang maraming iniisip si Luna, tumunog ang laptop. “Nakuha ko na.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumingin siya sa screen, “Ang IP address ng email na ito ay mula sa… Landry Mansion?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.