Kabanata 2296
‘Sa Landry Mansion?’ Biglang bumalik sa sarili si Luna. Tumalon siya mula sa sofa at tumingin siya ng gulat kay Joshua. “Sigurado ka ba?”
Ang IP address ba talaga ng email ay mula sa Landry Mansion?
“‘Yun ang nakalagay dito.” Uminom ng tsaa si Joshua, at dumilim ang kanyang mga mata. “Maraming beses na pineke ang IP address na ito. Marami akong ginawa para mahanap ito. Ang Landry Mansion ang eksaktong lugar ng tunay na IP address.”
Pagkatapos, kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Luna. “Sino sa tingin mo ang nag send ng email na ito?”
Walang masabi si Luna. Kinagat niya ang labi niya at pumikit siya para mag isip.
Simula nang maklaro ang hindi pagkakaunawaan ng pamilya Landry at pamilya Lynch, nakatira na siya sa bahay na ito kasama si Joshua. Sa ibang salita, hindi na siya tumira sa Landry Mansion.
Maliban sa butler, mga katulong, at mga bodyguard, sina Jim, Charles, at Rosalyn lang ang nakatira sa mansion. Syempre, hindi naman pwedeng si Jim ang nagsend ng email, at hindi rin sina Charles at Rosalyn. Wala silang motibo para gawin ito.
Busy si Jim sa paghahanda ng kasal kagabi, habang ang alam lang nila Charles at Rosalyn kay Bonnie ay ang itsura at pangalan niya. Hindi nila magagawa na gayahin si Bonnie at mag send ng email kay Christopher gamit ang ugali ni Bonnie. Maliban sa kanila, wala nang ibang tao sa Landry Mansion na gagawa…
Biglang lumaki ang mga mata ni Luna at may tao siyang naiisip.
May taong kakalipat lang sa Landry Mansion.
Si Sean Wheeler.
Pagkatapos dalhin si Bonnie sa hospital, pumayag si Sean na hayaan ang butler at ang anak nito na si Mickey na dalhin ang mga bagahe niya sa Landry Mansion at dito na siya titira. Agresibo ang butler at si Mickey sa pag kumbinsi nila, kaya’t kahapon ang unang araw na nanatili si Sean sa Landry Mansion.
Inisip ni Luna ang sinabi ni Gwen…
Kinagat ni Luna ang labi niya at pinagdikit niya ang mga kamay niya. ‘Si Sean nga kaya ito? Ginaya niya kaya ang tono ni Bonnie at nagsend siya ng email kay Christopher para bumalik ito ng Merchant City?’
Mabilis niyang nilabas ang phone niya at tumawag siya sa mansion ng butler. “Butler Fred, pwede mo bang sabihin sa akin kung saang kwarto natutulog si Sean sa Landry Mansion?”
Tumahimik ng ilang sandali si Butler Fred. “Ms. Luna, bakit bigla niyo po itong gusto malaman?”
“Gusto ko lang… malaman.” Tinikom ni Luna ang mga labi niya. “Pwede mo bang sabihin sa akin kung saang kwarto siya natutulog?”
Hindi agad sumagot si Butler Fred, huminto siya ng ilang sandali, ngunit nagsalita siya sa huli, “Natutulog po siya sa dating kwarto ni Heather; ang huling kwarto sa pangalawang palapag.”
Pagkatapos, nagtanong si Butler Fred, “Ms. Luna, bakit niyo po ito biglang tinanong sa akin? May nangyari po ba kay Mr. Sean?”
“Wala.’ Huminga ng malalim si Luna at sandali niyang kinausap si Butler Fred bago niya ibinaba ang phone. Tinabi niya ang phone niya at tumingin siya sa mga mata ni Joshua sa sandali na lumingon siya.
“Naghihinala ka ba na impostor si Sean?” Ang tanong ni Joshua.
Nang makita niya ang tingin ni Joshua, huminto ng ilang sandali si Luna at tumango siya. “Kinausap ko si Gwen at naisip ko na ang taong may motibo na mag send ng email ay si Sean.”