Kabanata 2297
Pagkatapos sabihin ito, nagbuntong hininga si Luna. “Bukod pa dito, ang resulta mula sa IP address ay nagpakita ng email na sinend mula sa Landry Mansion. Nagkataon rin na lumipat si Sean kahapon.”
Muling nagbuntong hininga si Luna at tumayo siya para maglakad papunta kay Joshua, tumitig siya sa mga numero sa laptop na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin. “Kaya ba itong mahanap kung saang kwarto nanggaling ang email?”
Kumunot ang noo ni Joshua at mabilis niyang nilabas ang floor plan ng Landry Mansion. “Ito dapat ay mula sa huling kwarto sa ikalawang palapag… Kung saan natutulog dati si Heather?”
Nabigla si Luna sa sagot na ito, kaya’t huminga siya ng malalim. Kinagat niya ang labi niya. “Sinabi ni Butler Fred na si Sean ang nakatira sa kwarto kung saan ang dating kwarto ni Heather.”
Kumunot ang noo ni Joshua. “Baka may ibang tao na nagsend nito mula sa kwarto niya. Hindi ako naniniwala na siya ‘yun.”
Kinurot niya ang noo niya para mabawasan ang sakit ng ulo niya dahil sa reaksyon ni Joshua.
Inaasahan niya na ang reaksyon na ito. Si Sean ang pinsan niya, kaya’t tama lang na paniwalaan niya na inosente si Sean.
Ang paggaya kay Bonnie ay hindi gaanong seryoso. Wala itong nagawang malaking pinsala, at ang mga nasaktan lang ay sina Christopher at Sean. Gayunpaman, pinakita sa insidente na si Sean ay isang tao na gagawin ang lahat para makamit ang layunin niya.
Nagpanggap siya na si Bonnie para mag send ng email kay Christopher, kinontrol niya ang mga emosyon ni Christopher para mabaliw ito, dahil lang ayaw niyang makita na ikasal sina Jim at Bonnie. Pwede siyang gumawa ng mas malalang bagay sa susunod para lang matupad ang layunin niya.
Nagkaroon ng katahimikan. Ayaw ni Luna na makipag away kay Joshua.
“Sa tingin ko ay kailangan mo ring lumayo sa pinsan mo at iwasan mo siya.”
“Sinabi ko na sayo, hindi gagawa si Sean ng ganito.” Kumunot ang noo ni Joshua habang nakatingin siya kay Luna. “Alam mo ba kung anong klaseng tao si Sean, dahil nakasama mo na siya ng matagal.”
Naaliw si Luna dahil pinipilit ni Joshua na sumangayon siya dito. “Joshua, ayaw kong makipag away sayo, pero hindi natin dapat husgahan ang isang tao base sa itsura nila, hindi ba? Ito ay tulad noong magkapatid pa kami dati ni Aura. Malapit kami sa isa’t isa at gusto ko siyang tumira sa Banyan City pagkatapos naming magpakasal. Nirecommend ko pa na maging secretary mo siya. Tingnan mo ang nangyari pagkatapos.”
“Si Malcolm din. Nagsinungaling siya sa akin ng anim na taon. Noong nagsama na ulit tayo, naawa ako sa kanya, pero tingnan mo kung saan tayo napunta. Noong nagpapanggap sila, mabait at maamo sila at masaya ako na nakilala ko sila. Pero sinampal ako ng katotohanan. Hindi nakasulat sa noo natin ang mga kasalanan natin.”
Namula ang mukha ni Luna dahil sa sama ng loob niya habang iniisip niya ang mga oras na pinagtaksilan siya ng mga tao na akala niya ay kaibigan niya.
Alam niya ang sakit na ito, ayaw niyang mabulag si Joshua ng tulad niya.
“Si Sean ay hindi tulad ni Malcolm.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua, nakatingin siya kay Luna. “Naniniwala ako na hindi ganitong klaseng tao si Sean. Mali ang pagkakakilala mo sa anak ng tita ko.”
Sumingkit ang mga mata ni Luna para lang makita na pagiging kampante ni Joshua. “Joshua, ayaw ko lang na matulad ka sa nangyari sa akin dati.”
Tinaas ni Joshua ang kamay niya at sinara niya ang laptop. “Hindi mangyayari ‘yun, at hindi isang masamang tao si Sean.”
Ngumisi si Luna sa sagot ni Joshua. “Kahit na ang lahat ng ebidensya ay tumuturo na siya nga, maniniwala ka pa rin ba sa kanya dahil lang sa relasyon niyong dalawa? Talaga, dahil lang anak siya ng tita mo?”