Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 2298

Kumunot ang noo ni Joshua habang tumitig siya sa cute na mukha ni Luna. “Hindi ito dahil magkadugo kami…” “Ano pala?” Ngumisi si Luna. “Gaano katagal na ba kayong magkakilala ni Sean? Pareho lang naman natin, hindi ba? Paano ka nakakasiguro na isa siyang mabuting tao? Ginagawa ko lang ang makakabuti sayo. Ayaw kong makita na malungkot ka kapag tinupad niya ang mga kagustuhan niya, kaya’t gusto kong lumayo ka sa kanya. Hindi lang sa hindi mo pinasasalamatan ang ginagawa ko, sinasabi mo pa sa akin na naniniwala ka sa kanya.” Huminga ng malalim si Luna. Nilabas niya ang phone niya at tumalikod siya. “Sige. Pwede mo siyang paniwalaan. Hindi ko na ulit ito babanggatin!” Pagkatapos, binuksan niya ang pinto at naglakad siya palayo. Kinurot ni Joshua ang noo niya dahil sa sakit ng ulo habang pinapanood na umalis si Luna. … Ang tanging iniisip ni Luna ay ang sinabi ni Joshua habang umalis siya ng hospital. Habang iniisip niya ito, mas lalo siyang nagalit. Ginawa niya ang lahat ng makakabuti para kay Joshua dahil natatakot siya na magtiwala masyado si Joshua kay Sean at masasaktan lang si Joshua sa huli kapag napagtanto niya na si Sean ay hindi tulad ng iniisip niya. Hindi lang sa hindi siya pinasasalamatan ni Joshua, hindi pa siya sang ayon kay Luna at naisip niya na naghihinala si Luna kay Sean. Kung may isang araw na masasaktan si Joshua dahil kay Sean, sinabi niya sa sarili niya na hindi siya maaawa kay Joshua. Kahit kailan! Sa kalagitnaan ng pagrereklamo ni Luna sa isip niya, nagring ang phone niya. Ito ay isang tawag mula kay Fred, ang tatay ni Mickey at ang butler ng pamilya Landry. “Ms. Luna, may nangyari po ba noong tinanong niyo kung saang kwarto ang tinutuluyan ni Mr. Sean? Dahil wala po sina Master at Ma’am, ako na po ang nag ayos nito. Sa tingin niyo po ba ay hindi tama para tumuloy siya sa kwarto ni Heather?” Huminto ng ilang sandali si Fred bago siya nagpatuloy, “O… may gusto pa po ba kayong malaman? Makikinig po ako kung may mga utos po kayo, o kung may gusto po kayong malaman.” Sa sandali na umupo si Luna sa bench sa labas ng hospital, pumikit siya. Masyado na siyang maraming iniisip, ngunit paulit ulit siyang tinatanong ni Fred tungkol kay Sean. Para hindi siya mainis, sinubukan niyang magsalita ng kalmado, “Nagtatanong lang ako. Ayos lang, at wala akong problema dito. Pwede ka nang magpatuloy sa trabaho mo.” May sandaling katahimikan bago nagbuntong hininga si Fred. “Sige po, mabuti. Noong lumipat po si Mr. Sean kahapon, hiningi niya po ang wifi password sa akin at sinabi niya po na nagmamadali po siyang mag online. Wala po akong ideya kung bakit siya busy, pero may masamang kutob lang po ako.” Pagkatapos, nagbuntong hininag siya, sinabi niya, “Kung wala na po kayong kailangan, hindi ko na po kayo aabalahin…” “Sandali lang!” Ang sabi ni Luna, kumunot ang noo niya. “Sinabi mo… na hinihingi ni Sean ang wifi password sa sandali na lumipat siya? At nakakapanghinala ang kilos niya?” Sa sandali na simulan ni Luna ang pinag uusapan, agad na nagsalita si Fred, “Opo, nagkakapanghinala po ang kilos niya at marami po siyang tinanong tulad ng relasyon ni Master, Ma’am, at Christopher, pati na rin po ang pagkakaibigan ni Young Master Jim at Christopher. Marami po siyang tinanong, at hindi ko po maalala ang lahat. Sa tingin ko po ay hindi siya natulog ng buong gabi. Napansin ko po na ang ilaw sa kwarto niya ay nakabukas hanggang alas kwatro ng umaga.” Mahigpit na hinawakan ni Luna ang phone niya habang nakikinig siya kay Fred.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.