Kabanata 2299
‘Alas kwatro ng umaga? Ito ang oras na natanggap ni Christopher ang email! Hiningi niya ang password sa wifi sa sandali na dumating at gumawa siya ng dahilan para magpost sa online… Nagbigay siya ng maraming tanong kay Fred at nanatili pa siyang gising ng hanggang alas kwatro ng umaga…’
Ang bawat impormasyon ay nagsasabi na si Sean nga talaga ang gumaya kay Bonnie at ang nagsend ng email kay Christopher, at nagalit si Luna habang iniisip ito. “Ano pa ang naaalala mo, Butler Fred?”
Dahil hindi naniniwala si Joshua na si Sean ay isang tao na gumagawa ng pakana, hindi ito mapapatunayan ni Luna kay Joshua. Pagkatapos, nang makuha nila ang lahat ng impormasyon, gusto niyang humingi ng tawad kay Joshua.
“Iisipin ko po…” Tumahimik ng ilang sandali si Fred bago ito dumating sa isip niya. “Tinanong niya po ako kung anong simbahan ang pinili para sa wedding ceremony at kung anong media company ang mga tinawagan. Wala po akong ideya kung ano ang iniisip niya. Kakaiba po talaga.”
Nagbuntong hininga si Fred at sinabi niya, “Ms. Luna, alam niyo po ba ang pinaplano niya?”
Sumingkit ang mga mata ni Luna—syempre alam niya kung ano ang ginawa ni Sean. Isa siyang tanga para isipin na malungkot si Sean dahil magpapakasal sina Jim at Bonnie. Nag isip pa siya ng mga mabubuting bagay na sasabihin kay Sean para gumaan ang loob nito! Sino ang mag aakala na kumilos na si Sean bago pa malaman nila Luna at Joshua.
Una sa lahat, nagtanong siya ng tungkol sa relasyon nila Jim, Bonnie, at Christopher, at nagtanong siya ng tungkol sa mga detalye ng kasal nila Jim at Bonnie. Huli sa lahat, ginaya niya ang tono ni Bonnie at nagsend siya ng email kay Christopher para lokohin ito na kailangan ni Bonnie ng tulong.
Nang makarating si Christopher sa Merchant City, inosente ang kilos ni Sean at nagdabog siya sa bahay ni Joshua para suyuin siya ng lahat at magpanggap siya na hinayaan niya na ito. Sa huli, sinaktan pa niya ang sarili niya para iligtas si Jim nang gustong saksakin ni Christopher si Jim.
‘Si Sean ay hindi kasing puro at inosente ng iniisip niyo!’ Ang naisip ni Luna.
“Ms. Luna?” Nang mapansin ang katahimikan ni Luna, maingat na nagtanong si Fred, “Nakikinig pa rin po ba kayo?”
“Oo.” Huminga ng malalim si Luna. “Salamat, Butler Fred. Kapag may ginawa pa si Sean, ireport mo sa akin.”
“Pero…” Nagdalawang isip si Fred, tila problemado siya. “Nasaktan po si Mr. Sean, kaya nananatili po siya sa hospital. Bukod pa dito, bumalik po ang Eldest Young Master para kumuha ng ilang gamit para kay Sean. Binanggit niya po na kailangan manatili ni Mr. Sean sa hospital… Base po sa pagbanggit ni Eldest Young Master kay Mr. Sean, mukhang mabait po siya. Sa tingin ko po ay tinanggap niya na po si Mr. Sean bilang kapatid niya.”
Nabigla si Luna nang marinig niya ito, kinagat niya ang labi niya at nilunok niya ang mga salita niya. “Sige, naiintindihan ko.”
Pagkatapos, ibinaba niya ang phone niya at nagpahinga siya sa bench, tila masaya siya. ‘Gumawa ng magandang pakana si Sean para makakuha ng resulta sa pagtitiis ng pinsala sa katawan. Nasa panig niya na rin si Jim ngayon pagkatapos niyang iligtas si Jim. Kahit na kinamumuhian ni Jim si Sean, walang duda na magbabago ang isip ni Jim pagkatapos ng nangyari.’
Huminga ng malalim si Luna.
Ngunit, nang hahanapin niya na si Jim, tumawag si Gwen.
“Luna, nasa Central Hospital ako ngayon. Nasaan ka? May impormasyon ako na sasabihin sayo tungkol kay Sean!”