Kabanata 2300
Biglang sinabi ni Luna kay Gwen ang lokasyon niya nang malaman niya na may bagong impormasyon si Gwen.
Makalipas ang ilang sandali, nagkita na ang dalawang babae. May suot na puting dress si Gwen at nakababa ang buhok niya. Maganda siya, parang isang babasagin na manika.
Napatingin si Luna sa likod ni Gwen nang mapagtanto niya na mag isa siyang pumunta. “Hinayaan ka ni Luke na umalis ng mag isa?”
“Hinanap niya si Joshua.” Nagkibit balikat si Gwen at tumuro siya sa bintana sa ikalawang palapag ng hospital. “Doon.”
Tumingin si Luna sa direksyon kung saan nakaturo si Gwen, at nakita niya si Luke, ang suot niya ay itim at nakatayo siya sa tabi ni Joshua. Mukhang may pinag uusapan sialng dalawa.
Nakasandal sa railing si Luke gamit ang isang kamay at lumingon siya para tumingin kay Joshua habang may sinasabi. Samantala, nakasandal si Joshua sa mga kamay niya sa railing at tumingin siya kay Luna. Nang makita niya na nakatingin si Luna sa kanya, ngumiti siya at kumaway siya.
Samantala, tila hindi masaya si Luna na makita si Joshua. Naalala niya kung paano siya sinagot ni Joshua nang ipagtanggol nito si Sean. Lumingon siya palayo ng galit para hindi niya na tingnan si Joshua.
Nang mapansin ang pag uugali na ito, ngumiti si Gwen habang nakatingin siya kung nasaan si Joshua. “Nakatingin pa rin siya sayo. Nang pumunta ako dito kasama si Luke, hinanap muna namin si Joshua. Akala ko ay kasama mo siya, pero sinabi ni Joshua na galit ka sa kanya at pumunta ako sa baba ng mag isa. Gusto kong malaman kung nasaan ka, at nang tumingin ako sa baba, nandoon ka, nakaupo ng magisa. Kanina ka pa niya pinapanood.”
Nag unat si Gwen at kumindat siya kay Luna. “Alam ko na nag alala pa rin si Joshua para sayo. Kahit na alam niya na nasa hospital ka pa rin, humanap pa siya ng bintana para panoorin ka niya. Magkasama na kayo ng, ano, halos sampung taon? Paano niyo nagawa na mahalin ang isa’t isa ng sobra ng napakatagal?”
Gumulong ang mga mata ni Luna. “Sino ang nagsabi na halos sampung taon na kaming magkasama?”
“Pero pitong taon na ang mga anak niyo ngayon.” HIndi maintindihan ni Gwen kung paano ito naging posible.
“Anim na taong kong pinalaki ang mga anak ko ng mag isa.” Tinikom ni Luna ang labi niya at tumingin siya kay Joshua mula sa sulok ng kanyang mga mata. “Sa ibang salita, ilang taon pa lang kaming magkasama.”
Sa mga oras na ‘yun, magkalayo siguro sila sa isa’t isa. Mukhang matagal na silang magkasama, pero ilusyon lang ito. Gayunpaman, hindi pa rin pinansin ni Joshua ang mabuting intensyon ni Luna para sa kanya at naniwala siya kay Sean, na siyang kadugo niya.
Naalala niya na galit siya kay Joshua, kaya’t tumingin siya ng masama kay Joshua na para bang gagaan ang loob niya dahil dito.
Naaliw si Gwen dahil sa ugali ni Luna. “Minsan, hindi ako makapaniwala na isa kang nanay ng tatlong pitong gulang na mga bata.”
Tinikom ni Luna ang mga labi niya at nakipag biruan siya kay Gwen bago siya nakipag usap ng seryoso.
“Hindi ba’t sinabi mo na may bago kang impormasyon kay Sean? Ano ‘yun?”
Naging seryoso pa rin si Gwen. “Habang kausap kita, tinanong ni Luke ang pinag uusapan natin, kaya sinabi ko sa kanya na naghihinala ka kay Sean. Nagkataon na nakita ng mga tauhan niya si Sean kagabi.”
Kumunot ang noo ni Luna. “Nakita nila si Sean kagabi?”
“Akala ko ay nanatili si Sean sa Landry Mansion ng buong gabi. Sinabi pa ni Butler Fred na marami siyang tinanong, at kinulong niya ang sarili niya sa kwarto pagkatapos. Bukod pa dito, nabanggit din ni Butler Fred na busy si Sean hanggang alas kwatro ng umaga. Paano naman siya nakita ng tauhan ni Luke kagabi?”
Kumunot ang noo ni Gwen at sinabi niya, “Tama. Dahil kay Bonnie, tinulungan ni Luke si Sean na maghiganti kay Terry para sa kapatid ni Sean. Hindi ba’t inutos ni Luke sa lalaking ito na putulin ang ari ni Terry?”