Kabanata 909
Isa itong mangkok ng espirituwal na kanin!
Bahagyang nagulat si Alex. Inaalala ang mga butil na itinanim sa paso ng bulaklak noong panahong iyon, nakita niya itong umusbong ngunit pakiramdam niya ay medyo mabagal ang paglaki. Basta, mas mabagal ang pagtubo nito kaysa sa paglago ng frsoty octagon na bulaklak.
Namumulaklak ang frosty octagon na bulaklak sa loob ng isang gabi.
Isang linggong itinanim ang palay bago tumubo ang unang butil.
Sa kanyang sorpresa, talagang nakapagpatubo ng napakaraming espirituwal na butil pagkatapos niyang hayaan si Dorothy na iuwi iyon para sa paglilinang.
Talagang espiritwal na butil ito.
Higit pa rito, batay sa memorya na minana mula sa Ultimate Book of Medicine, ang espirituwal na butil na ito ay hindi mababang kalidad: ito ay ang espirituwal na butil ng tatlong kapighatian. Anong ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na ang ganitong uri ng espirituwal na butil ay nagtipon ng kakanyahan ng langit at lupa pati na rin ang suwerte ng mortal na kaharian. Hindi katanggap-tanggap ng Langit at Lupa, ang banal na kapighatian ay tiyak na dadalhin dito... Higit pa rito, ito ay tatlong banal na kapighatian.
Sa madaling salita, ang mga espirituwal na butil na ito ay ang eksistensya na nakaligtas sa tatlong banal na kapighatian.
Hindi alam ni Alex kung ang alamat sa Ultimate Book of Medicine ay kapani-paniwala, o marahil ay nakita niya ito nang mali.
Gayunpaman, ang densidad ng kakanyahan na lumabas mula sa mangkok ng espirituwal na bigas na ito ay nagpaginhawa sa kanyang buong katawan. Sarap na sarap siya sa paglanghap nito.
“Asawa, paano ka nakapagpatubo ng napakaraming butil sa loob ng napakaikling panahon?” tanong ni Alex.
“Tinatawag ba itong espiritwal na bigas?” Kinurap ni Dorothy ang kanyang mga mata.
“Oo, ito nga! Halika, maupo ka. Sabihin ko sa’yo, napakabihira ng bigas na ito. Isa itong tunay na kayamanan. Ang mga martial practitioner ay makakatanggap ng hindi inaasahang epekto pagkatapos itong kainin. Ikaw... Gaano karami ang nakain mo? Anong pakiramdam mo?” tanong agad ni Alex.
Sumagot si Dorothy, “Kumain ako ng isang maliit na kalahating mangkok nito. Pero, maliban sa bango nito, wala akong nararamdaman!”
Hinawakan agad ni Alex ang balingkinitang kamay niya at ginamit ang essence para tingnan ang aura niya.
Bilang resulta, normal naman ito.
Walang kahit na katiting na pagbabagu-bago sa esensya, na parang nawala nang walang bakas.
Labis siyang nadismaya.
Sa pagtingin kay Dorothy, nagulat siya habang iniisip, ‘Anong klaseng matigas na pangangatawan meron si Dorothy? Paanong ang isang kasing gandang tulad niya ay hindi makakalap ng kaunting espirituwal na kapangyarihan? Kahit baboy ay magkakaroon ng kaunting kapangyarihan pagkatapos kumain ng kalahating mangkok ng kanin ng tatlong kapighatian.’
Parang naiirita si Dorothy sa titig niya. “Ano? Ayaw mo na ba sa’kin?”
Sagot agad ni Alex, “Hindi, bakit ko gagawin iyon? Matutulungan mo akong mapalago ang maraming espirituwal na butil na ito, iyon ang magiging pinakamalaking tulong sa akin.”
Ngumuso si Dorothy at sinabing, “Bilisan mo at kainin mo na habang mainit pa.”
“Sige!”
Sisingaw ang essence kapag iniwan ito ng masyadong matagal.
Kanin lang ang inubos agad ni Alex na walang ulam. Inubos niya ang buong mangkok ng espirituwal na kanin... Naramdaman niyang umaapaw ang diwa sa kanyang bibig, may bango sa kanyang mga ngipin at labi. Matapos itong ubusin, ang tumatagos na essence sa kanyang tiyan ay agad na naging purong pinagmumulan ng espirituwal na kapangyarihan, na tumatama sa kanyang mga laman-loob.
Hindi nangahas na mag-antala kahit kaunti si Alex habang sinimulan niyang i-activate ang Force sa kanyang katawan.
Matapos paikutin ang Force sa kanyang mga energy core, ang makapangyarihang espirituwal na kapangyarihan na binago ng espirituwal na bigas ay dahan-dahang hinihigop ng kanyang katawan.
Gayunpaman, isang anomalya ang biglang nangyari sa sandaling ito.
Kasabay ng pagputok, ang pasaway na bead sa kanyang itaas na energy core ay talagang nagising. Pagkatapos, nagsimula itong sumipsip ng espirituwal na kapangyarihan sa kanyang katawan.
“Ano ba!” Galit na galit si Alex.
Bakit sobrang pilyo nun?
Lumabas ito upang agawin ang espiritu ng Ancient Thunderwood Clap sa pamamagitan ng pagsipsip nito dati.
Sige, tutal napakalaki naman ng espiritwal na kapangyarihan na iyon para sa kanya. Wala siyang pakialam kung naagawan siya. Kung hindi nito inagaw, mahihirapan rin naman siya.
Gayunpaman, kayang tiisin ng kanyang katawan ang kapangyarihan nitong espirituwal na bigas!
Inagaw pa nito sa kanya ang ganoong bagay. Napakawalanghiya ng butil!
“Bwiset! G*go!”
“Lakas ng loob mong agawin ‘to sa akin?!”
Galit na galit na pinatakbo ni Alex ang Force sa kanyang katawan upang agawin pabalik ang kapangyarihan ng espirituwal na bigas.
Gayunpaman, napagtanto niyang wala siyang maibabatbat sa walang kahihiyang butil. Sa tuwing mahihigop niya ng kaunti ang espirituwal na kapangyarihan, ang walanghiyang butil ay mas hihigit ng sampung beses. Maaari lamang niyang makuha ang natitirang espirituwal na kapangyarihan.
‘G*go! Paano ako natalo sa ganitong kalokohan?!’
Gustong umiyak ni Alex pero walang lumabas na luha.