Kabanata 971
“Ano?! Patay na ang dakilang elder ng mga Coleman sa Missouri?”
Ang pinuno ng pamilyang Stoermer, si Zayn, ay nabigla nang matanggap niya ang tawag at muntik nang mailaglag ang phone sa sahig. Gayunpaman, hindi nagtagal ay narinig niya ang tungkol sa kung paano pumunta si Terrance sa California upang hanapin si Alex, kasama ang plano nitong wasakin ang pamilya ni Alex. Sa halip, siya ang pinatay ni Alex. Galit na galit si Zayn nang marinig iyon. “Iyang si Terrance, talagang naghukay siya ng sariling libingan. Nalosyang na ba siya dahil sa katandaan? Noong narito siya, halos hindi niya maprotektahan ang sariling buhay sa ilalim ng mga kamay ng Master ni Alex. Namatay na tuloy siya ngayon. Mabuti iyan. Pagkatapos ng lahat, kung anong itinanim, siyang aanihin.”
Nakatanggap si Xyla ng balita bago nito at sinabi, “Narinig ko ang impormasyon na inilabas ng pamilyang Coleman bago nito, na nagsasabing ang paglitaw ng master ni Alex sa tahanan ng mga Stoermer ay isang ilusyon lamang. Iyon siguro ang dahilan kung bakit naglakas-loob itong si Terrance na hanapin siya!”
“Hmph! Baka may mali sa utak niya. Eh di paano namatay si Carlos? Nakita iyon ng sarili niyang mga mata, at nakalimutan na niya kaagad? Sino pa ang maaari niyang sisihin sa kanyang sariling pagkamatay?”
“Dad, ganito na ngayon. Galit na galit talaga si Master Alex. Hindi lang sinaktan ng pamilyang Coleman ang kanyang kinakapatid na babae, ngunit maging ang limang taong gulang na anak ng kanyang kinakapatid ay muntik nang mapatay ng mga masasamang kamay ni Terrance. Itong paghihiganti, kailangan nating ipaghiganti... Tapos, tinanong niya kami kung anong kahulugan ng ating pamilyang Stoermer.”
Si Zayn Stoermer ay isang ambisyosong tao sa huli, pagkatapos ng lahat!
Matapos ang pag-iisip tungkol dito ng wala pang sampung segundo, agad siyang nagdesisyon. “Sa panahong ito, kinuwestiyon ng ibang mga maharlikang pamilya ang katotohanan na kung Grandmaster ba ako, sa harap man ng lahat o palihim. Mga palaka lang silang lahat na nasa ilalim ng balon. Paano nila malalaman kung gaano kagaling si Master Alex? Kahit na sa aking antas ng Grandmaster, katumbas lamang ito ng intermediate na antas. Hmph, walang galang si Terrance kay Master Alex, sa paghangad na patayin ang buong pamilya niya. Pupunta ako sa mga Coleman at hahanapin ang hustisya para kay Master Alex. Xyla, magpasalamat ka kay Master Alex sa ngalan ko.”
Nawalan ng Grandmaster ang mga Coleman.
At hindi pa kumakalat ang balita.
Para sa pamilyang Stoermer na kumilos para sa kapakanan ni Alex, katumbas din ito ng paggawa ng unang hakbang. Ang naturang kilos ay mag-aani ng malaking benepisyo para sa kanila.
Ang walong maharlikang pamilya ay nagkaroon ng kasunduan na hindi nila papatayin ang isa’t-isa.
Ngunit sa katotohanan, ang libong taong gulang na panuntunang ito ay matagal nang nawalan ng silbi. Hangga’t makakahanap ka ng tamang dahilan, puwede mong patayin ang ibang partido.
Gayunpaman, pagkatapos na patayin ni Tristan ang pamangkin ni Carey at subukang gamitin si Zendaya bilang natural na hurno sa ilalim ng pagkukunwari na pagkuha sa kanya bilang mapapangasawa, iyon mismo ay sapat na dahilan para sa digmaan, at walang karapatang manghimasok ang ibang mga maharlikang pamilya.
Hangga’t hindi nila lilipulin ang buong pamilyang Coleman, walang magsasabi ng kahit ano.
Pagkababa ng tawag, agad na tinawag ni Zayn ang pamilya. “Bigyan ng utos na ang lahat ng martial artist na may ranggong mas mataas sa Mystic ay dapat magtipon at sumunod sa akin upang singilin ang utang sa atin ng mga Coleman ng Missouri!”
***
Samantala, sinabi ni Alex kay Carey, “Auntie, kailangan kong humingi ng pabor sa’yo. Maaari mo bang alamin ang isang bagay para sa akin sa loob ng isang oras? Saan nakatira si Tristan? Dapat nasa California siya ngayon.”
Tumango si Carey. “Huwag kang mag-alala. Maliit at madaling bagay lang iyan. Aalamin ko kung nasaan siya sa loob ng isang oras.”
Wala siyang reklamo tungkol sa pagbibigay ni Alex ng mga utos sa kanya at positibong tinanggap ang mga ito.
Para sa kanya, si Tristan Coleman ay eksistensyang nagpapakulo ng dugo niya sa sama ng loob.
Pinatay ng lalaki ang nag-iisang anak na lalaki ng kanyang kapatid na lalaki nang walang anumang dahilan, at hinding-hindi niya makakalimutan ang hitsura ng kanyang nakatatandang kapatid habang umiiyak ito sa sakit.
Tinawagan ni Alex si Waltz. “Munting Waltz, pumunta ka rito kasama si Azure sa Maple Villa 8!”
At tinawagan niya si Michelle. “Isama mo ang lolo mo sa Maple Villa 8!”
At ang huling tawag ay kay Nathan. “Nasaan ka?”
“Master, kababalik ko lang sa California. Pumunta ako sa isa sa mga bundok ng bulkan, at meron akong magandang ani…”
“Pumunta ka sa Maple Villa. May kailangan akong ipagawa sa’yo!”
Ang mga taong ito ang pinakamalakas sa grupo ni Alex.
Gayunpaman, pagkatapos ng nangyari ngayon, lalo na’t nakilala niya si Auntie Rockefeller, ang dalagang nakaitim, bigla siyang nakaramdam ng matinding pangangailangan. Sa una, natutuwa siya sa kanyang sariling lakas, inaakalang ang rurok ng buhay ay hindi nalalayo sa kasalukuyang niyang kinalalagyan. Anumang Grandmaster, hindi sila ganoon kahirap kalabanin. Ngunit ngayon, direktang pinuna siya ni Auntie Rockefeller at tinawag siyang aksaya ng espasyo.
Anong ibig sabihin noon?
Ibig sabihin, nakakita na si Auntie Rockefeller ng eksistensyang mas makapangyarihan at kahanga-hanga kaysa kung ano siya.
Sa paghuhusga mula sa pagsabog ng lakas at kung paano nito ibinahagi ang spiritual power sa kanya sa pamamagitan ng palad nito, dinaig ng lakas ng cultivation ni Auntie Rockefeller yung kanya ng hindi bababa sa tatlong beses.
Kaya naman, kailangan niyang pagbutihin ang kanyang lakas sa lalong madaling panahon.
Hindi lang sa kanya kundi maging sa lahat ng nasa ilalim niya.