Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content
Sukdulan ng BuhaySukdulan ng Buhay
Ayoko: Webfic

Kabanata 972

Maya-maya, dumating sina Waltz at Azure. Matapos marinig ang nangyari, galit na galit si Waltz kaya malapit na niyang sugurin ang mga Coleman at patayin silang lahat. Saktong alas otso ng gabi, dumating si Nathan. 8:08 pm, dumating si Michelle kasama ang pinuno ng pamilyang Yowell, si Keith. Matanda na si Keith Yowell, mas matanda kay Nathan, bukod pa doon ang katotohanang mga tatlo hanggang limang taon na lang ang natitira sa kanyang buhay. Gayunpaman, nagsanay siya ng tradisyunal na martial arts ng pamilyang Yowell, ang Slunce Jauda, ​​sa buong buhay niya, at ang kanyang antas ng cultivation ay katanggap-tanggap pa rin. Kaya maaari pa rin siyang makatulong. Nagpasya si Alex na huwag sayangin ang alinman sa kanyang mga mapagkukunan. 8:15 ng gabi, nagmamadaling lumapit si Carey. “Nahanap ko na kung nasaan si Tristan. Nasa isang pribadong club siya na nagngangalang Red Mill.” “Tara na!” Nagtaas ng kamay si Alex at sinabi iyon. *** Ang Red Mill ay nangungunang high-end-private-club sa isang distrito ng California. Pagdating sa kung gaano karangya, mas magarbo iyon kaysa sa City Salon at Belle Blossom. Ang mga pumapasok at lumalabas sa lugar na iyon ay ang mga tunay na mayayaman. Pag-aari iyon ng pamilyang Coleman, isa sa apat na dakilang pamilya ng California. Ang mga Coleman dito ay isang sangay ng mga Coleman ng Missouri. Dumating sina Tristan at Genbu sa California para magpagamot sa isang Immortal Doctor. Natural, hinanap muna nila ang pamilyang Coleman, pagkatapos ay pumasok sa Red Mill. Sa sandaling ito, may binatang kausap si Tristan. Ang taong iyon ay ang panganay na anak ng mga Coleman ng California, si Sven Coleman. “Young Master Tristan, ganiyan din pala yung kakaibang sakit mo. Kung gayon, 100% kong paniguradong masasabi na malamang kagagawan iyan ng mokong na iyon, si Alex Rockefeller. Walang ibang makakaisip ng ganoong kabagsik na kalokohan maliban sa kanya.” Tumango si Tristan bilang pagsang-ayon. “Sigurado ka? Marahil ganoon rin ang naging kapalaran mo sa ilalim ng mga kamay niya?” Puno ng poot, ibinuga ni Sven, “Young Master Tristan, maaaring hindi mo alam ito, pero mas masahol pa ang naranasan ko noon! Napilitan kang kumain ng putik, at ngayon meron ka pang putik na inangkat mula sa Switzerland na masustansiya pa. Ngunit para sa akin noong mga oras na iyon, kinailangan kong kumain ng tae... Blegh! Kapag inaalala ko, parang gusto ko pa ring sumuka.” Agad na natigilan si Tristan sa katahimikan. Hindi alam ni Tristan ang katotohanan na nabiktima ng hypnosis ni Zendaya si Sven. Ang pangunahing dahilan ay minamatahan ng mga Coleman ng Missouri si Sven sa oras na iyon at kinailangang panatilihin gawin iyon. Kung kakalat ang ganoong nakakahiyang bagay, at batay sa kung gaano kapuri-puri ang mga Coleman ng Missouri, tiyak na hindi na nila gugustuhin na magkaroon ng ugnayan kay Sven. At kaya itinago ito ng mga Coleman ng California hangga’t maaari. Pero iba na ngayon. Naapi din si Tristan ni Alex sa parehong paraan. Parehong dinanas ng dalawa mapait na karanasan, at ang kanilang ugnayan ay mas malalim kaysa sa iba. Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya nagdalawang isip na sabihin iyon. Siyempre, nang marinig ni Tristan ang mga salita ni Sven, bumalik ang balanse sa kanyang puso. Lumalabas na hindi lang siya ang nagdurusa sa gayong paghihirap. Meron pang nakaranas ng mas masahol sa nangyari sa kanya. Nagpatuloy ang dalawa na isumpa si Alex pagkatapos noon. Tinapik ni Tristan ang balikat ni Sven at sinabing, “Huwag kang mag-alala, Sven. Isinama ng dakilang elder si Byakko para dukutin ang lokong Rockefeller na iyon. Malapit na natin siya makita. Pagkatapos niya akong pagalingin, gagawa tayo ng kasunduan.” “Sige,” sabi ni Sven. “Hindi na ako makapaghintay. Gusto kong kumain siya ng tae ng aso at pusa, pagkatapos ay itapon siya sa hukay ng ebak at lunurin siya roon.” Umiling si Tristan. “Hindi mo siya mapapatay. May silbi pa rin siya sa mga Coleman.” “Hah? Hindi ba parang ang dali naman noon sa kanya? Oh tama, may asawa palang hiniwalayan ang gag*ng iyon ilang araw lang ang nakakaraan. Pero alam kong may malalim na relasyon sa babaeng iyon ang gag*ng si Rockefeller, at yung biyenan niya ang puwersahang nagpahiwalay sa kanila! Saka yung asawa niya pala, isang walang katulad na kagandahan sa buong California. Maging ang kanyang hipag at biyenan ay maganda. Young Master Tristan, bakit hindi natin hulihin ang tatlong babaeng iyon at pahirapan at ipahiya sila nang husto sa harap niya?” Naningkit ang mga mata ni Tristan. “Magandang ideya iyan!” Sa sandaling sinabi niya iyon, bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan nila. Isang grupo ng mga tao ang pumasok. Ang nangunguna sa grupo ay walang iba kundi si Alex.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.