Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 12

Sa Splendid Town. Nang matanggap ni Rose ang isang biglang tawag mula sa Grand Asia Hospital, agad siyang natakot na tatanggihan ng ospital na gamutin ang kaniyang inang may malubhang sakit. “Miss Rose, nais naming ipaalam sa iyo na ang aplikasyon ng pagpasok na ibinigay mo sa aming ospital kahapon ay aming tinatanggap. Dahil sa espesyal na kalikasan ng sakit ng iyong ina, ang aming ospital ay binigyan siya ng pagbubukod at hinayaan siyang ma-ospital sa Grand Asia Hospital. Naidala na namin ang pasyente sa ospital nang maaga. Paki-bayaran na ang hospitalization fee ng tatlong daang libong yuan sa loob ng susunod na bente-kwarto oras.” Si Rose ay natulala. Nagtungo siya sa Grand Asia upang isumito ang aplikasyon ng pagpasok ng kaniyang ina kahapon, siya ay tinanggihan ng mga tauhan dahil sa iba’t ibang hindi maintindihan na mga rason. Gayunpaman, himalang nilipat ng Grand Asia ang kaniyang ina sa kanilang ospital sa mismong araw na iyon nang hindi siya sinasabihan. Mayroon lamang isang eksplenasyon--may kagagawan dito si Jay. Agad na nagalit si Rose sa kabilang linya, “Sino’ng nagbigay permisyon sa inyo na dalhin ang aking ina sa ospital nang hindi ko alam? Ibalik niyo ang nanay ko kung saan niyo siya kinuha. Kung ‘di, idedemanda ko kayo.” Nang bigla, isang malamig na boses ang maririnig sa kabilang linya, “Oh, Rose…” Ang pamliyar na nakasasabik na boses na naglalaman ng pangingibabaw ay agad na nagsanhi ng pagtayo ng mga balahibo ni Rose. Gayunpaman, naglakas-loob siyang sumagot. “Ja… Ja… Ginoong Ares…” Napakunot ang noo ni Jay at sinabi, “Lola? Kaunti lang ang pinagkalayo ng edad na ‘tin.” Si Rose ay nabigla at natigilan. Sinusubukan niya lamang na maging mabait. ‘Malamang, hindi iyon ang ibig kong sabihin!’ Totoo naman na hindi masyadong magkalayo ang mga edad nila. “Bakit, may nagsabi sa akin na idedemanda mo ako?” Ang mapagmataas na boses ni Jay ay may bakas ng kawalang-bahala na tila mas sumarap sa tenga ito. “Saktong-sakto. Noong nakaraan ko pa iniisip na harapin ka tungkol sa nangyari limang taon na ang nakalipas bago tayo pumunta sa korte.” Ang nangyari limang taon na ang nakalipas? Ang insidente kung saan ginahasa niya si Jay bago magtapos ang kanilang kasal? ‘Kapag kumalat iyon, ano’ng mabuting magagawa no’n sa kaniya?’ Naisip ni Rose. ‘Hindi ako natatakot!’ “Masisiyahan akong makita sa ka korte, Ginoong Ares,” masungit niyang sabi. “Pinasasalamatan na kita sa paglagay ng pangalan ko sa mga balita pagdating ng oras!” Matinding tapang ang inipon ni Rose para lamang magreply gamit ang mga salitang iyon. Pagkatapos magpatibay-loob at binigay ang mga salitang ito sa kaniya, narinig niya ang matigas na boses ni Jay, “Napakawalang-hiya.” Mapanuyang sumagot si Rose, “Paano naman tungkol sa paggamit ng ina ko bilang galaw laban sa akin? Hindi ba walang hiya rin ‘yon?” “Rose, mukhang mas nakikilala ko na ngayon ang tunay na ikaw. Ang talas talaga ng utak mo. Hindi ka ba natatakot na ang mga salita mo ay maaaring magsanhi ng sakit sa iba?” Dati pa man ay isa nang natural na manghuhuli si Jay. Kapag nahuli na niya ang kaniyang biktima, sinisigurado niyang tusukin ang mahihina nilang mga parte hanggang sa sila’y lumuhod. Inabot lamang si Rose ng kalahating segundo bago magbago ang kaniyang sarili mula sa galante at kalmadong sarili patungo sa dating Rose. ‘Hmph! Sumpain ka nawa, Jay! Alam kong pagbabantaan mo ako gamit siya, g*go ka!’ Pinagmumura ni Rose si Jay sa kaniyang isipan ngunit bumukas ang kaniyang bibig upang humingi ng awa. “Pasensya na, Ginoong Ares.” “Humihingi ka na ng kapatawaran ngayon?” Nanginig ang manipis na mga labi ni Jay. “Iba ka talaga!” Nagpanggap na hindi apektado si Rose at ngumiti. “Basta’t pakakawalan mo ang ina ko, nangangako akong susundin kita. Gagawin ko ang kahit ano.” Ang mga labi ni Jay ay napangisi nang masama. Iniisip niya kung bakit hindi niya kailanman napagtanto kung gaano siya kagaling na aktress dati. “Rose, iintayin kita sa Grand Asia Hospital upang pag-usapan ang gamot ng iyon ina. Kung hindi kita makikita sa susunod na tatlumpung minuto, ang iyong ina ay gagamutin ng isang intern. Pasensya na.” Pagkatapos masabi ang mga salitang iyon, pinatay na niya ang telepono. Tahimik na umiyak si Rose habang siya ay nakatingin sa phone. Katatakas lamang niya sa pugad ni Jay kahapon ngunit ngayon ay kailangan na naman niyang maglakad patungo sa kaniyang mga kamay nang kusa. ‘Kung hindi ako pupunta, manganganib ba si Mama?’ ‘Si Mama ay mayroong late-stage uremia. Ang mga espesyalista na ito ay nahihirapan nang gamutin siya. Kapag siya ay ibibigay sa mga intern, mamamatay siya sa loob lamang ng ilang minuto?’ “Ugh!” Napabuntong-hininga nang malakas si Rose. “Ugh…” Pagkatapos ng ika-ilang buntong-hininga Sina Zetty at Robbie ay nagbubulungan sa sulok. Tinanong ni Zetty si Robbie, “Bakit panay buntong-hininga si Mommy?” Lumunok si Robbie at matalinong sinabi, “Siguro ay nagmemenopos na siya. ‘Yong ilan sa mga mama ng mga kaklase ko ay ganyan kapag sila ay namemenopos. Buong araw silang bumubuntong-hininga. Sa sandaling magising sila, pagagalitan nila ang kanilang mga asawa o ang kanilang mga anak. Maliban doon, bumubuntong-hininga lang sila. Dahil walang asawa si mommy para pagalitan at mababait tayong mga anak, ang tanging magagawa na lamang niya ay ang bumuntong-hininga.” Naawa si Zetty sa kaniyang mommy. Binaba niya ang laruan sa kaniyang kamay at naglakad patungo sa kaniyang ina at hinawakan ang kaniyang ulo. Matamis niyang sinabi, “Mommy, hahanapan kita ng asawa para mapagalitan mo siya kapag hindi maganda ang nararamdaman mo.” Walang masabi si Rose. ‘Ano’ng klaseng logic ‘yon?’ “Hindi masama ang nararamdaman ni Mommy. Kailangan lang pumunta ni Mommy sa ospital para makipaglaban sa mga halimaw kasama ang inyong lola. Maging mabuti kayong dalawa at manatili kayo dito…” Pinisil ni Rose ang maliit na mukha ni Zetty. Nang marinig ni Robbie ang nabanggit na ospital, natabig niya ang mga kahoy na laruan at ang kaniyang maliliit na binti ay mabilis na tumakbo sa bahay upang kumuha ng isang sandata. “Mommy, kung ang masamang lalaki kahapon ay sasaktan ka ulit, dapat ay paliguan mo ang kaniyang mga mata gamit ito.” May hawak-hawak si Robbie na isang bote na may nguso na malinaw na hindi isang skincare product. “Ano ‘to?” “Enhanced pepper spray,” sabi ni Robbie. “Kapag ginamit mo ‘to, hindi ko na kailangan pang mag-alala na mabangga mo ang masamang tao na iyon ulit!” Nilagay ni Rose ang pepper spray sa kaniyang bag. Dahil alam na ni Jay na pineke niya ang sarili niyang pagkamatay, hindi na siya nag-abalang magpanggap. Nagdamit siya nang normal pag-alis niya ng bahay, suot-suot ang paborito niyang puting damit at berdeng palda, maalon na pulang buhok ang pumapatong sa kaniyang mga balikat. Naglagay siya nang kaunting makeup at nagsuot ng high heels. Sa sandaling lumabas si Rose ng pinto, sina Robbie at Zetty ay sumandal sa bintana at pinanood ang kanilang ina na maglakad palayo. “Bakit ang ganda ng suot ni Mommy ngayong araw?” Mayroong duda sa itim, at matingkad na mga mata ni Robbie. Inosenteng nagsalita si Zetty, “Wala na ito sa kakayanan mo. Siguro ay pinaplano ni Mommy na gamitin ang kaniyang ganda bilang sandata!” Umirap si Robbie. “Basta’t hindi iyon babalik sa kaniya,” bulong niya. Nasasabik si Zetty, “Magkakaroon na ba tayo ng daddy?” Natahimik si Robbie at ang kaniyang bibig ay nakanganga. Sa Grand Asia Hospital. Nakaupo si Jay sa opisina ng presidente at tumingin sa kaniyang orasan. Lagpas nang kalahating oras. Sa katunayan, apatnapung minuto na ang nakalipas... Natakot ba ang sinumpaang babae na iyon? Ang pangako ba niya sa kaniyang telepono ay walang kabuluhan? Ang kaniyang matangkad at payat na katawan ay tumayo. “Grayson, pakikuha ang kotse ko,” sabi niya. Natigilan si Grayson. “Ginoong Ares, hindi ba’t iniintay na ‘tin si Rose?” “Sa tingin mo ba ay may lakas siya ng loob?” Hindi makapaniwalang sabi ni Jay.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.