Kabanata 453 Nag-aalala Para Kay Nell
Sa tabi ni Maxine, may isang binatang nakasuot ng madilim na pulang suit at hikaw. Nang tingnan ng lalaki ang ibang naroroon, may bakas ng kapilyuhan sa kanyang magagandang mata. Napangiti siya na para bang may gustong ipabatid. Kagaya siya ng mga mayayaman at mga babaerong lalaki.
Tila ba naramdaman niya ang tingin ni Janet, nabaling ang kanyang atensyon sa direksyon ng babae.
Ganoon din, kasabay nitong lumingon si Joel.
Nang makita ni Joel si Janet, natuwa siya dahil may kakilala siya.
Inangat ni Janet ang kanyang baso mula sa malayo para sabihing ipagpatuloy niya ang kanyang trabaho. Hindi niya na kailangang lumapit pa.
Sa puntong iyon, nagpakita si Luna kasama ni Chairman Harrison Graham. Biglaan, napunta lahat ang kanilang atensyon sa dalawa.
Nakasuot ng kulay lilang damit si Luna. Mukha siyang maringal at mapagmataas. Kasama ang kanyang ama, nakisalamuha siya sa ibang mga bibigatin na para bang normal lamang ito.
Hindi naman mahirap makita na pinalaki nang maayos ni Harrison si Luna. May tatlong anak sa pamilya Graham. Ang unang dalawa ay legal, at ang ikatlo lamang ang hindi.
Subalit, ang anak sa labas na si Gregory ay bumalik na sa kanyang pamilya. Nagdulot ito ng mainit na diskusyon sa magiging hinaharap ng pamilya Graham.
Hindi nagawang makilala ni Janet ang maalamat na Third Young Master sa okasyon ngayon, pero wala naman siyang pakialam.
Sinamahan ni Harrison si Luna at saka binati ang mga bisita. Nang malapitan si Joel, ngumiti nang banayad ang matanda at saka sila nagpalitan ng papuri.
Hindi nagtagal, napalingon siya at tila ba nasorpresa.
Pagkatapos, habang nakangiti, nilapitan niya si Liam.
Syempre, kilala ni Harrison si Liam. Nasa iisang industriya lamang sila, pero dahil malawak ang pagkakaiba ng kanilang edad, hindi sila masyadong nagkakasama.
Bukod pa roon, iwas na tao si Liam at madalas itong hindi nakikisalamuha sa iba, bibihira lamang siyang magpakita sa mga ganitong okasyon kaya nakakagulat ang kanyang pagpunta. Magigitla ang lahat ng mga nakakilala sa kanya. Dahil alam nila ang ugali ni Liam, hindi nila sinusubukang kausapin ito. Para naman sa ibang hindi ito kilala, masasabi lang nila na hindi ordinaryo si Liam. Ganoon pa man, natatakot silang lumapit dahil malakas at iwas ang kanyang dating.
Bumulalas si Harrision. “Diyos ko! Binayayaan kami para makita ang presensya ng Young Master Liam ngayon. Bibihira lamang ito.”
Ngumiti nang magalang si Liam. “Chairman Graham, hindi mo naman kailangang maging pormal. Lagi namang magkasangga ang Grahams at Griffins sa loob ng ilang taon. Inimbitahan ako ni Ms. Graham kaya pumunta ako.”
Ngumiti si Luna kay Janet saka sumagot, “Masyadong mabait ang Young Master Liam. Salamat sa papuri! Uminom tayo.”
Ganoon din, inangat niya ang kanyang baso.
Walang sinabi si Liam at itinama niya lamang ito saka nilagok ang alak.
“At ito ay si?”
Napatitig si Harrison kay Janet habang malambing ang ngiti.
Nagpaliwanag si Liam nang kalmado, “Ito ang asawa ko, si Janet.”
Yumuko si Liam at marahang sinabi kay Janet, “Jan, sila ang Grahams.”
Tumango nang magalang si Janet at ngumiti. “Isang karangalan na makilala ko ang Chairman Graham.”
Tuwang-tuwa si Harrison sa eleganteng kilos ni Janet. Kahit nagulat siya na kasal na pala si Liam nang walang paalam, napangiti pa rin siya nang malawak. “Mabuti naman, mabuti!”
Pagkatapos magsalita, inangat niya ang kanyang baso at ininom ang lahat ng laman nito.
Sa pagkakataong iyon, lumapit si Joseph Garrett sa kanila para mangamusta.
Syempre, kilala ni Joseph si Janet at Liam. Nagpalitan silang tatlo ng pagbati sa loob ng isang sandali, saka naalala ni Janet na hindi maganda ang kalagayan ng Old Master Garrett kaya napatanong siya.
Bumuntong hininga si Joseph at umiling.
“Unti-unti nang bumabagsak ang kalusugan ng Old Master. Sinubukan nan amin ang lahat pero wala nang gumagana.”
Nang marinig ito ni Janet, hindi niy mapigilang mapasimangot sa pag-aalala.
Taimtim na sinabi ni Liam, “Marami nang pinagdaanan na hirap ang Old Master Garrett, sigurado akong makakatanggap rin siya ng maraming biyaya. Hahanap ng paraan ang langit. Second Uncle Garrett, huwag kang masyadong mag-alala.”
Tumango si Joseph.
Bigla siyang napaisip saka nagtanong, “Nga pala, nakausap niyo ba si Nelly kamakailan?”
Nagpalitan ng tingin si Janet at Liam pero wala silang sinabi.
Napasimangot si Joseph. “Gusto ko siyang kausapin pero hindi niya nasasagot lagi ang tawag ko. Nag-aalala na ang Old Master. Tinanong na rin namin ang Leiths at sinabi nilang kasama nito si Gideon sa ibang bansa. May alam ba kayo sa kasalukuyan nilang sitwasyon?”
Pinag-isipan ito ni Liam at napagpasyahan niya mas lalong mag-aalala ang Garretts kapag hindi siya umimik.
Kaya, sinabi niyang, “Nasa Country F si Nell. Kamakailan, nagkaroon ng aksidente si Gideon, pero ayos na siya ngayon.”
Nang marinig ni Joseph na nagkaroon ng pinsala si Gideon, agad na nagbago ang kanyang mukha.
“Paano siya nasaktan? Anong aksidente? Hindi ba nasa bakasyon sila? May nangyari ba?”
Tumugon si Liam sa isang mababang boses, “Hindi naman malaki ang naganap. Kung gusto mo pang malaman, sa tingin ko mas mabuting tanungin mo sila.”
Ganoon din, sinabi niya kay Joseph kung paano niya makakausap si Nell at Gideon.
Napanatag na rin nang bahagya si Joseph.
Pagkatapos ng party, tinawagan niya si Nell.
Sa pagkakataong iyon, kapapaalis lamang ni Nell kay Mr. Jeeves ng pamilya Griffin.
Simula nang maaksidente si Gideon, paulit-ulit na nag-aalala ang Old Madam Griffin. Hindi nito mapigilang kabahan dahil namumuhay ang dalawa sa loob ng ospital.
Ngayong nakakagalaw na si Gideon, nagbigay ng suhestiyon ang Old Madam na tumira muna sil kasama ang Griffins. Hindi lamang ito mas madali, mas ligtas rin ito para sa kanila.
May sarili rin namang doktor ang Griffins, kaya hindi sila mahihirapan sa pagpapalit ng benda ni Gideon.
Subalit, tinanggihan ito ni Nell.
Ayaw niyang umasa sa pamilya Griffin. Dahil na rin kay Scarlet, at dahil na rin sa tunay niyang pagkatao.
Dahil nagpunta sila rito para imbestigahan ang kamatay ni Old K, hindi nila maiiwasang makasalubong ang Dragon Regiment pati na rin ang iilan sa Bauhinia Clan. Ayaw niya namang malaman ito ng Griffins.
Nang makitang tumanggi si Nell, hindi na nagpumilit si Mr. Jeeves at umalis na lamang nang malungkot.
Sa pagkakataong umalis siya, narinig ni Nell ang isang tawag mula kay Joseph.
“Nelly, narinig kong nasaktan raw si Gideon? Ayos lang ba kayong dalawa?”
Nagitla si Nell sa loob ng ilang sandali. Pero agad niya ring naisip na baka si Liam ang nagsabi kay Joseph.
Ngumiti nang bahagya si Nell. “Ayos lang kami. Huwag kang masyadong mag-alala, Uncle.”
Nagmamadaling nagsalita si Joseph. “Paano namang hindi ako mag-aalala? Wala na ba kayong ibang magawa para pumunta ng Country F? At nasaktan pa ang asawa mo! Ikaw ba? Ayos ka lang ba?”
Muling siniguro ni Nell si Joseph, “Ayos lang. Maliit lang naman na aksidente. Hindi mo kailangang mag-alala.”
Natahimik ang kabilang linya.
“Sabihin mo sa akin ang totoo. Pumunta ba kayo para imbestigahan ang Bauhinia Clan?”
Napatikom ng bibig si Nell.
Matapos ang isang sandali, tumawa siya. “Uncle, dati, totoo ngang interesado ako sa nangyari sa tunay kong ama, pero dapat mo ring maunawaan na ang interes ko ay aabot lamang sa pagtatanong kung ano ang nangyari sa kanya.”
“Tapos na ang nakaraan. Matagal na siyang namatay. Bakit ko naman hahanapin ang pamilya niya? Para maghiganti sa kanila?”
Napatigil si Joseph sa loob ng isang sandali.
Sumunod, napasinghal siya sa inis. “Sino naman ang nakakaalam kung ano ang iniisip mo.”
Ngumisi si Nell. “Iisipin ko na papuri iyan.”
“Ikaw…”
Bumuntong hininga si Joseph. “Sige na, panalo ka na, pero masaya akong marinig na ayos ka lang. Kapag may oras ka, tawagan mo ang lolo mo. Hindi masyadong maganda ang kalagayan niya kamakailan, kaya siguraduhin mong kakausapin mo siya.”
Sumagot si Nell ng “mmm” bilang pagsang-ayon. “Nauunawaan ko.”