Kabanata 905
“Haha!” Natawa si Alex sa narinig. Nang marinig niya ang tungkol sa kakaibang kondisyon, nalaman niya kaagad kung sino ang tinutukoy ni Wallace.
Hindi niya akalain na kakilala pa rin ni Wallace ang mga Coleman ng Missouri.
Matapos marinig na tumawa si Alex, agad na sinabi ni Wallace, “Sir, hindi ako nagbibiro. Totoo talaga. Nakita ng mga sarili kong mga mata na kumakain siya ng putik. Talagang kakaiba ito, halos buong buhay ko nang pinag-aaralan ang medisina at nakita ko na ang ng lahat ng klase ng kakaibang mga kondisyon, pero hindi pa ako nakakakita ng taong kumakain ng putik bawat oras.”
Nakangiting sabi ni Alex, “Kung gayon, wala ba siyang malay kapag kumakain siya ng putik pero babalik siya sa normal pagkatapos kumain, at pagkaraan ng sampung minuto ay labis siyang magsisisi at susuka?”
Tuwang-tuwa si Wallace. “Sir, ang galing mo! Malinaw na pamilyar ka sa kakaibang sakit na ito, na parang nakita na ng mga sariling mong mga mata. Talagang humahanga ako.”
Sagot ni Alex, “Hindi mo naman kailangang gawin iyon. Kaya ko ring sabihin sa’yo ang pangalan ng pasyente. Si Tristan Coleman ba iyan mula sa mga Coleman ng Missouri?”
“Hah? Sir, nakita mo na siya dati?”
“Siyempre, nakita ko na. Ako ang dahilan bakit siya nagkaganiyan.”
“Ano?” Nanginginig ang kamay ni Wallace, muntik na siyang bumagsak sa lupa.
Nag-iba rin bigla ang ekspresyon niya.
Nasa tahanan siya ngayon ng mga Coleman sa Missouri. Mabuti na lang at mag-isa lang siya sa kwarto at walang ibang tao sa paligid nang tumawag siya. O kung hindi, sa antas ng martial arts ng mga nasa pamilyang Coleman, maririnig nila ang usapan sa phone.
Maingat pa rin siyang tumingin sa paligid para masiguradong walang nakatingin sa kanya. Saka lang niya mahinang tinanong si Alex, “Sir, anong meron?”
Sinabi agad sa kanya ni Alex, “Wala naman. Binastos lang naman ako ni Tristan Coleman. Hindi lang niya ninakaw ang babae ko, gusto pa niya akong patayin. Ako naman…”
Bago natapos ni Alex ang kanyang pangungusap, nagalit si Wallace. “Sino siya para gawin iyon?! Sir, ikaw ang Immortal Doctor ng bagong henerasyon, ang nangungunang pigura ng ating tatlong libong medikal na paaralan sa Amerika. Talagang naglakas-loob ang g*gong ito na pagtangkaan ang buhay mo, nararapat sa kanya na mamatay ng isang libong beses! Maliit na parusa pa nga iyon para sa kanya. Sir, alam ko na ang dapat kong gawin ngayon! Pero…”
Agad niyang hininaan muli ang boses. “Mukhang hindi alam ng mga Coleman kung sino ang gumawa nito kay Tristan Coleman. May malakas na kapangyarihan at maraming dalubhasang mandirigma ang pamilyang Coleman. Meron pa nga silang Grandmaster na namamahala sa kanilang pamilya, natatakot ako na baka mapahamak ka kapag nalantad ang iyong pagkakakilanlan. Kaya, sir, pagkasabi mo sa akin ang tungkol sa bagay na ito, pakiusap, huwag mo na itong babanggitin muli.”
Nagmula sa kaibuturan ng puso ang respeto ni Wallace para kay Alex.
Napangiti si Alex. “Hindi naman ako natatakot sa mga Coleman. Pero sige, tatanggapin ko ang suhestyon mo.”
Pagkatapos noon, muling sinabi ni Wallace, “Sir, may Triangle River Delta Medical Exchange sa California bukas. Pupunta ka ba roon?”
“Alam mo rin ang tungkol doon? Nangako ako kay Cheryl na pupunta ako.”
“Ayos. Kung gayon, sasali din ako sa kasiyahan bukas!”
Matapos ibaba ang tawag, patuloy na kinausap ni Wallace ang sarili, “Kasing tuso ng soro si James Coney, yung matandang iyon. Talagang inialay niya yung apo niya kay sir. Sayang, sayang. Wala kasing maibabatbat ang apo ko sa apo niya!”
Kung hindi, hinayaan na rin ni Wallace na itapon ng sariling apo kay Alex.
Pagkatapos noon ay lumabas na ng kwarto si Wallace. Iba talaga ang tingin sa mga mata niya.
Sa sandaling ito, ang ama ni Tristan na si Abel ay lumakad at magalang na nagtanong, “Doktor Yoke, kumusta na? Nagawa mo bang kontakin yung senior mo? May solusyon ba siya?”
Bago nito, nabanggit na ni Wallace na kailangan niyang humingi ng payo sa kanyang senior.
Parang titser kung papakinggan ng iba, tama?
Akala nila ang nasabing senior ay matanda at iginagalang na doktor.
Bilang karagdagan, si Wallace ay kilala bilang ang pinakamahusay na imperyal na doktor sa Amerika na may matayog na katayuan, at ang kanyang mga kaibigan ay pawang mga taong may prominenteng katayuan sa mga maharlikang pamilya at opisyal sa kabisera. Pagdating sa mga impluwensya, mas malaki talaga yung kay Wallace kumapra sa buong pamilyang Coleman sa Missouri.
Napakaganda ng tunog ng walong maharlikang pamilya sa America at nakakatakot ang kanilang reputasyon.
Gayunpaman, ngayong wala na ang pyudal na sistema, bahagyang mas malaki na lang ang katayuan nila kaysa sa ilang kasalukuyang mga opisyal ng estado.
Napatingin si Wallace kay Abel. Umiling siya habang sinasabi, “Nangangamba akong nahatulan ng poot ng Langit yung anak mo! Hindi ito sakit na kayang pagalingin ng normal na tao!”
“Anong sinasabi mo?”