Kabanata 911
Inisip ni Phoebe na ayos lang naman dahil natuto siyang humiga sa lupa at tumahol na parang aso sa bahay ni Cheryl.
Kung si Alex ang magpapagawa sa kanya sa labas, tao pa kaya siya?
Sa sandaling iyon, ang kanyang galit na namumuo nitong nakaraang dalawang araw ay parang binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig.
Nakaramdam siya ng matinding pagkalito at panlulumo habang sinabi niya, “Cheryl, kakaiba ang lalaking nahanap mo. Anong klaseng dark arts o forced hypnosis ang ginamit niya? Cheryl, kailangan mong maging mapagmatiyag. Paano kung i-hypnotize ka rin niya para hubarin yung damit mo at matulog kasama siya o ano pa man? Anong gagawin mo?”
Gayunpaman, nakita niya pang may sabik na ekspresyon si Cheryl. Sa sandaling iyon, hindi siya nakaimik habang kumikibot ang sulok ng kanyang bibig.
“Wow, Cheryl, ganiyan ka pala. Bakit hindi ko alam ‘to, mahalay ka pala! Dahil ba tumatanda ka na, matured ka na at namamasa ka na diyan sa baba mo?”
Labis na nahihiya si Cheryl. Palag niya, “Anong pinagsasabi mo? Ikaw ‘tong mature mag-isip! Noon sa dorm, sinong may hawak na laptop at nanonood ng bold, at umakyat pa sa kama ko habang nagsasalita nang tulog. ‘Oh! Oh! Hindi…’ Oo nga pala, yung lalaking propesor na nagustuhan mo noon ay parang gumamit ng gayuma sa isang babaeng estudyante at pinilit na gawin iyon o kahit ano pa man. Hindi pa rin siya nakakalaya…”
Nang marinig ito ni Phoebe, agad na tinakpan ng kanyang mga kamay ang kanyang tenga. “Wag mo nang sabihin, wag mo nang sabihin! Suko na ako, okay?”
Nakarating na sila sa entrance ng No. 8 Villa habang nag-uusap sila.
Bago pumunta dito, tinawagan na ni Cheryl si Alex. Kanina pa sila hinihintay ni Alex sa malaking gate.
Sumakay na siya sa passenger seat nang dumating si Cheryl.
Matapos silipin si Phoebe sa rearview mirror, napagtanto niyang mabangis ang tingin ng babae, na para bang lalamunin siya nito.
Sa sandaling iyon, malamig siyang ngumuso. “Madam, maaari ko bang malaman kung anong pagkakaiba ng boses mo kapag nagsasalita sa tunog ng utot mo?”
Parang pusa agad si Phoebe na naapakan ang buntot kaya napasigaw siya, “G*go ka! Hindi pa nga tayo talo, tapos heto ka ngayon, ginagatungan mo na naman ako. Sa tingin mo ba talaga natatakot ako sa’yo? Ikaw yung parang umuutot at tumatae kapag nagsasalita, at hindi katiis-tiis yung baho. Hindi ko talaga maintindihan, Cheryl. Anong nagustuhan mo sa lalaking ito? Mukha siyang kriminal para sa’kin.
Umiling si Cheryl. Kapag nakikita niyang nagtatalo ang dalawang taong ito sa tuwing nagkikita sila, hindi niya rin alam kung anong gagawin.
Hindi rin naman galit si Alex. “Kriminal man ako o hindi, hindi na iyon importante. Ang mahalaga ay, susuriin ko ang iyong takdang-aralin mula sa araw na iyon.”
Natigilan si Phoebe. “Anong takdang-aralin?”
Tumawa si Alex. “Ang bilis mo namang nakalimutan? Yung tumahol na parang aso, syempre. Halika, halika, tumahol ka ng dalawang beses para sa akin. Pakinggan natin kung magkatunog o hindi.”
Sumabog sa galit si Phoebe habang nakadilat ang mga mata.
Gayunpaman, nagsimula siyang tumahol nang hindi mapigilan sa sumunod na segundo. “Aw! Aw! Aw!”
Napatulala siya.
Bakit naging ganito na naman siya?
“I-ikaw… demonyo ka, ano na namang ginawa mo sa akin?”
Kumunot ang noo ni Alex at sinabing, “Hindi naman katunog eh. Mukhang hindi mo maayos na tinapos yung takdang-aralin mo... Baka dahil hindi mo sinabayan ng aksyon? Paano kung ganito? Itaas mo ang isang paa at kumilos na parang asong umiihi, saka mo subukang tumahol ulit.”
“A-anong pinagsasabi mo?” Dahil sa kahihiyan, sasabog na sa galit si Phoebe.
Gayunpaman, hindi nagtagal, napagtanto niyang talagang itinaas niya nga ang isang paa, na para siyang sinapian. “Aw! Aw! Aw!”
“Hm? Kawili-wili ngunit hindi pa rin swabe. Dahil ba may damit ka? Dahil walang anumang saplot ang tunay na aso, bakit hindi mo hubarin iyan at tumahol muli ng dalawang beses?”
Sa sandaling sinabi niya ito, nanginig sa takot ang buong katawan ni Phoebe.
Dali-dali niyang niyakap ang sarili at sumigaw, “Sinasabi ko sa’yo, papatayin talaga kita kapag ginawa mo iyan sa’kin.”
Nagmamadali ding sinabi ni Cheryl, “Alex, huwag. Patawarin mo na lang siya para sa akin, pakiusap?”
Nakakaloko ngumiti si Alex. “Nagbibiro lang ako. Huwag mong seryosohin.”
Gaya ng inaasahan, hindi siya gumamit ng anumang mental power nang sabihin niya ang huling pangungusap.
Nakahinga ng maluwag si Phoebe.
Gayunpaman, idinagdag ni Alex, “Kung hindi mo aamining talo ka, hindi ko masisiguro sa’yo na kapag nagising ka bukas, maaaring madatnan mo yung sarili mong nakahandusay sa mga lansangan sa ilang kadahilanan. Tiyak na mas kapana-panabik iyan kaysa sa pagtahol na parang aso.”
Namutla ang mukha ni Phoebe. “Demonyo ka!”
Lumingon si Alex at tinitigan ang lalong pangit nitong mukha. Nakangiti niyang sabi, “Tawagin mo akong Master.”
Matagal na nagkatitigan ang dalawa.