Webfic
Buksan ang Webfix app para sa higit pang kahanga-hangang content

Kabanata 417

Nakaramdam ng init sa mga labi si Lu Shengyao at biglang lumaki ang kanyang mga mata. Nababaliw na ba siya?! Lumayo si Ying Xiaoxiao sa mga labi ni Lu Shengyao. Pagkatapos, lumingon siya sa spoiled na babae, na siyang nabigla sa ginawa ni Ying Xiaoxiao. Parang nawalan ng sigla si Ying Xiaoxiao. Inisip niya na kapag nakita ng spoiled na babae na hinalikan niya si Lu Shengyao, magbibigay siya ng kakaibang reaksyon. Oo, meron ngang reaksyon, ngunit natulala lang siya at wala nang iba. Boring! Kaya naman, tumingin siya kay Lu Shengyao, at nakita niya na nakatitig ito sa kanya. Naging guilty siya at umubo ng mahina. “‘Wag mo na masyadong isipin. Hindi kita hinalikan dahil gusto kita.” Tila may papalabas sa ilalim ng mata niya dahil sa mga sinabi ni Ying Xiaoxiao, ngunit mabilis itong nawala. Kalmado na sinabi ni Lu Shengyao, “Hindi ko naman iniisip masyado.” Sumimangot si Ying Xiaoxiao. Pagkatapos sabihin ni Lu Shengyao na hindi niya ito iniisip masyado, bakit parang nabunyag ni Ying Xiaoxiao ang sarili niya? “Mas mabuti na ‘yun.” lumiit ang mga mata niya at kinutya niya. “Ang lakas ng loob mo na lokohin ako! Dapat mo ‘tong pagbayaran.” Habang nakatingin sa hindi natutuwa na mukha ni Ying Xiaoxiao, kumunot ang noo ni Lu Shengyao. “Sa totoo lang…” Magpapaliwanag na sana siya, pero biglang nakita niya na kinuha ng spoiled na babae ang wine glass at naghanda siyang itaong ito kay Ying Xiaoxiao. Biglang sumimangot si Lu Shengyao at hinila niya si Ying Xiaoxiao sa loob ng braso niya. Nagulat si Ying Xiaoxiao at napunta siya sa yakap ni Lu Shengyao. Sa mga sumunod na sandali, narinig niya ang tunog ng nabasag na baso sa sahig at… ang mahinang ungol ni Lu Shengyao. Tumingala siya at nakita ang ekspresyon ni Shenyao na may kirot sa mukha. Tila may naintindihan si Ying Xiaoxiao, at may hindi mawaring emosyon na namuo sa kanyang puso. Masaya siya ngunit mabigat ang loob. Dumating sa tainga ni Lu Shengyao ang galit na boses ng spoiled na babae. “Lu Shengyao, bakit mo siya pinoprotektahan?! Hindi ka ba natatakot na sabihin ko sa kuya mo?” Nang marinig niya ito, tumawa ng malakas si Lu Shengyao. Naramdaman ni Ying Xiaoxiao ang tunog ng pagtawa sa dibdib ni Lu Shengyao. Tumingala siya at nabighani sa gwapong mukha ni Lu Shengyao dahil sa kanyang ngiti. Baka nga dahil napansin ni Lu Shengyao na nakatingin sa kanya si Ying Xiaoxiao. Tumaas ang mga kilay niya at may bahid ng interes sa kanyang mga mata. “Bakit? Biglang napansin mo ba na gwapo talaga ako?” Ang malalim na boses niya ay pumasok sa tainga ni Ying Xiaoxiao at agad siyang bumalik sa sarili. Napansin niya ang pagbibiro sa boses ni Lu Shengyao at gumulong ang mga mata niya. Suminghal siya at sinabi ng nanunuya, “‘Wag mong bolahin ang sarili mo.” Ngumiti si Lu Shengyao at hindi na nagsalita pa. Binitawan niya si Ying Xiaoxiao at tumalikod para harapin ang nagagalit na spoiled na babae. Hindi na mahiyain ang spoiled na babae tulad noong una. Matino ang mukha niya noong una, ngunit ngayon at galit na siya, ang mga mata at ilong niya ay wala na sa ayos. Malaki ang mga mata niya, ngunit ngayon at nakatitig siya kay Lu Shengyao, kasing laki na ito ng sa baka. Nakakatakot talaga ito. Pinuna siya ni Lu Shengyao sa loob ng kanyang puso. Kung hahanap ang kuya niya ng date para sa kanya, pumili sana siya ng babaeng maganda ang itsura! Sumigaw ang spoiled na babae, “Lu Shengyao, hinalikan ka lang ng p*ta na yan at ngayon pinoprotektahan mo siya. Kapag sumiping siya sayo, ibibigay mo na ba ang buhay mo sa kanya?”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.