

Ang pinakamayamang lalaki sa Mercity, na si Adam Alvarez, ay nasa coma nang tatlong taon. Ang kanyang asawa, si Celine Tate, ang nag-alaga sa kanya sa buong panahong iyon. Ngunit nang magising si Adam, natagpuan ni Celine ang isang malanding text sa kanyang phone. Bumalik na pala ang first love nito sa bansa.
Ang mga kaibigan ni Adam, na palaging minamaliit si Celine, ay nagtawanan sa nangyari."Panahon na para sipain ang pangit na sisiw, ngayong nandito na ulit ang itik."
Doon lamang napagtanto ni Celine na hindi siya kailanman minahal ni Adam. Pinaglaruan lamang siya nito.
Kaya isang gabi, natanggap ni Mr. Alvarez ang divorce agreement mula sa kanyang asawa. Ang dahilan ng diborsyo—may problema sa kanyang kalusugan.
Sinundan ni Adam si Celine, ang mukha nito'y seryoso. Doon niya nakita ang babae sa ilalim ng kumikislap na mga ilaw, napakaganda sa suot nitong mahabang bestida. Bigla itong naging isang dalubhasa sa medisina.
Nang makita siya ni Celine, ngumiti ito.
"Nandito ka ba para magpakonsulta sa isang andrology specialist, Mr. Alvarez?"

Si Ariana York ay isang mapagmataas na babae, ngunit isinantabi niya ang kanyang pride upang ligawan si Elijah Linden, isang malamig at tahimik na lalaki. Natupad ang hiling niya, at sa wakas ay ikinasal siya sa kanya. Subalit, pagkatapos nilang ikasal, napagtanto niya na may ibang mahal si Elijah.Naging katatawanan si Ariana para sa upper crust ng siyudad. Minsan, nag-away sila ni Elijah at tumalon siya mula sa isang gusali. Ang pangyayari ay narecord at inupload online—ininsulto siya ng buong siyudad.Noong nagising si Ariana, nawala ang lahat ng alaala niya tungkol kay Elijah.“Sino ka, mister?”“Hindi na uso ang pagpapanggap na may amnesia, Ari. Hindi ako makikipaghiwalay sayo.”Tumalikod si Ariana at umalis ng walang pag-aalinlangan.Pagkalipas ng tatlong taon, isang nakakatuwang batang babae ang aksidenteng bumangga kay Elijah. Nakita niyang palapit ang babaeng ilang beses niyang napanaginipan, at sinabi niya na, “Ari, siya ba ang—”Hawak ni Ariana ang braso ng isang gwapong lalaki. “Mr. Linden, hayaan mong ipakilala ko sayo ang tatay ng anak ko!” 
Sa nakaraang buhay ni Noelle Liddell, sinunod niya ang lahat ng mga utos ng kanyang mga kapatid. Pero sinamantala nila at tinapaktapakan ang kanyang pride para maspoil nila si Xenia Quigley, ang peke nilang kapatid na babae. Si Noelle ang tunay nilang kapatid, pero namatay siya matapos siyang palayasin mula sa kanilang tirahan.Matapos isilang muli, isang prinsipyo ang kanyang patuloy na susundin–tumigil siya sa pagiging mabuting tao, at hindi na niya papatawarin o makikipagbati sa kanyang mga kapatid. Puwede nila gawin ang kahit na anong gusto nila basta huwag silang makielam sa kanya.Ang nakatatanda niyang kapatid, si Donovan Liddell, ay napapaisip kung bakit ang kalusugan niya ay lumalala kamakailan lang. Dahil hindi na dinadala ni Noelle ang gamot niya at supplements.Ang ikalawa niyang kapatid, si Frank Liddell, ay napapaisip kung bakit laging may problema sa firewall ng kumpanya niya. Dahil hindi na ito minemaintain ni Noelle.Ang ikatlo niyang kapatid, si Carl Liddell, ay napapaisip kung bakit ang bagal ng development ng bagong gamot. Dahil hindi na ito tinetesting ni Noelle.Ang ika-apat niyang kapatid, si Blake Liddell, ay napapaisip kung bakit ang mga grado niya ay lumalala na. Dahil hindi na si Noelle ang nagsusulat nito.Ang ika-lima niyang kapatid, si Wyatt Liddell, ay napapaisip kung bakit ang prosthetic limb niya ay sobrang pangit na. Dahil hindi na si Noelle ang lumilikha nito.Ang ika-anim niyang kapatid, si Lucas Liddell, ay napapaisip kung bakit natalo ang team niya. Dahil umalis na si Noelle mula dito.Ang anim na mga lalake ay lumuhod at nagmakaawa sa paanan ni Noelle para sa kanyang kapatawaran. “Umuwi ka na, Nelly. Blood is thicker than water–pamilya tayo!”Ngumisi si Noelle. “Alam niyo lang na mali kayo sa oras na lumala na ang lahat. Pasensiya na, pero hindi ko papatawarin ang kahit na sino sa inyo!” 

Inaamin ko na isang magandang babae ang true love ng asawa ko.
Sa kanyang pagbabalik, ang asawa ko, na sinasabi na wala siyang alam tungkol sa romansa kapag kasama ko siya, ay gumawa ng iba’t ibang paraan upang pasayahin siya. Maging ang anak kong lalaki ay paulit-ulit na sinasabi sa pagmumukha ko na gusto niya na ang true love ng tatay niya ang maging nanay niya.
Para sa kanila, ang tanging halaga ko ay sa pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga sa kanila.
Maya-maya, isang autistic na batang babae ang humila sa damit ko at mariing sinabi na, "Siguro nga ayaw ni Zachary sa nanay niya, pero ako gusto ko!”
Doon ko lamang napagtanto na maaari pa ring mamukadkad ang isang rosas sa gitna ng isang disyerto. Noong sa wakas ay nakamit ko na ang gusto kong makamit sa buhay ko, pinagsisihan ng dati kong asawa at ng anak ko ang mga ginawa nila.
Tumawag ang dati kong asawa at sinabi na namimiss ako ni Zachary. Sinabi ko na, “Hindi na ako ang nanay niya."
Sinabi ng dati kong asawa na alam niyang nagkamali siya; bigla niyang napagtanto na ako ang mahal niya.
Hinalikan ng lalaking nasa tabi ko ang aking kamay. Sinabi niya ng may selos, "Sa tingin mo ba karapatdapat ka sa pagmamahal niya kung maging ako ay hindi pa nakukuha ang puso niya?” 
17 taon na ang nakalilipas mula noong naipagpalit si Hera Youngworth sa ibang sanggol noong isilang ito sa mundo. Nagawa siyang mahanap ng kaniyang biological family na mga Everetts. Pero sa kaniyang pagkadismaya, hindi siya gusto ng kaniyang ama at ng kaniyang lola. Hindi rin niya gusto ng kahit na kaunti ang fiancé na nireto ng mga ito sa kaniya.Nagsalita ang kaniyang ama na si James Everett, “Hinding hindi magagawa ng pamilya Gaskell na tumanggap ng isang probinsyana bilang manugang. Para sa ating mga pamilya, magsasagawa kami ng isang public announcement para gawin kang adoptive daughter ng aming pamilya.Sumabog naman sa galit ang kaniyang lola na si Mildred Barker, “Hindi maganda ang iyong mga grades kaya hindi ka karapat dapat na matulog sa kuwarto na para sa mga miyembro ng pamilya Everett. Doon ka matulog sa guest room!”Nagsalita naman ang kaniyang fiancé na si Zyler Gaskell, “Si Giselle ang tunay na kadugo ng mga Everett at siya lang ang nagiisang babae na karapat dapat para sa akin. Umalis kang probinsyana ka sa harapan ko!”Ano ang naging reaksyon ni Hera sa lahat ng ito? Wala siyang pakialam sa kahit na sino sa kanila.Hindi nagtagal, dumalas ang pagbanggit ng kaniyang pangalan sa mga headline.Unang Lihim: Si Hera ang misteryosong henyo na nakaperfect ng kaniyang mga score sa SAT!Ikalawang Lihim: Si Hera at ang kilalang hacker na si Raven ay iisa!Ikatlong Lihim: Si Hera ang nangungunang user sa listahan ng Divine Forum!Ikaapat na Lihim: Si Hera ang nakakuha sa puso ni Mr. Killian!Hindi pa natatapos dito ang listahang ito.Pinapahiya ng mga plot twist ang mga taong nangmamaliit kay Hera. Nagsiluhod ang mga ito bago sila magmakaawa para sa kaniyang tulong pero mayroon pa ring isang tao na nagtuturo sa kanila ng leksyon nang walang pagaalinlangan.Binigyan sila ni Bernard Killian ng aroganteng tingin bago ito dominanteng maganunsyo ng, “Sa akin lang si Hera at wala ng kahit na sino ang maaaring umangkin sa kaniya.”At pagkatapos, humarap siya kay Hera para naaawang sabihin na. “Tingnan mo kung gaano ka kaganda, Mrs. Killian. Umaasa ako na isasama mo ako sa pagtahak mo sa ng iyong buhay sa hinaharap.”Nanlalamig naman siyang tiningnan ni Hera. “Itigil mo na ang pagarte, Mr. Killian. Matagal ko nang alam ang iyong mga lihim.” 

