
Ang matagal na nawawalang anak ng pamilyang Locke, ay nakabalik na sa kanyang pamilya. Pagkatapos, ginamit niya ang livestreaming para kumita.Ang lahat ng mayayaman sa Riverview ay naghihintay na pamukhain niyang ewan ang sarili niya. Gayunpaman, ang nakita lang nila ay kung paano ang mga bigatin mula sa buong bansa ay dumagsa sa livestream niya para humingi ng tulong.Isang pasikat na tao sa mundo ng negosyo ay nagsabi, “Iligtas mo ako, Ms. Locke!”Isang aktor na nakatanggap ng parangal ay nagsabi, “Tulungan mo akong mapalayo sa hindi ko gustong admirers, Ms. Locke!”Isang bigatin sa mundo ng pananaliksik ang nagtanong, “Pwede mo ba akong tulungan sa geomancy sa larangan ko, Ms. Locke?”May nagsabi, “Lapit ka pa sa’kin, babe!”Nagtataka ang lahat kung bakit ang nagsabi nito ay sobrang naiiba sa lahat.Sabi ni Madison, “Iyan din ang gusto kong malaman.” 
Si Bonnie Shepard, isang probinsyana, ay ang usap-usapan sa bayan. Ayon sa mga tsismis, isa siyang talunan na mahilig makipag-away at makipaglokohan. Iniwan siya ng kanyang nobyo, at ang iginagalang na pamilyang Knight ay dinistansya ang kani-kanilang mga sarili, nagsasanhi ng hindi maliit na kahihiyan para sa pamilyang Shepard. Ngunit nang nadiskubre ng mundo ang kanyang totoong pagkakakilanlan bilang nangungunang mananaliksik sa bansa, namangha ang lahat. Ikinagulat nila nang malaman nilang hindi lang siya henyo sa matematika, prodehiyo rin sa chess, maalam sa medisina, eksperto sa kickboxing, sinasapawan maging ang pinakamayamang negosyante sa listahan ng Forbes. Ang mga prominenteng pigura at mga mayamang tagapagmana ay lantarang nag-aagawan para sa kanyang pag-ibig. “Bonnie, will you marry me? Nararapat ako, at ako ang pinaka-romantiko at pinaka-maalalahanin na nobyong makikita mo. Aba, kahit mga gawaing-bahay ay kaya kong gampanan! May pagmamay-aring minahan ang pamilya ko, at maaari mong bilhin ang kahit ano mong gusto!” Si Ivor Knight, ang CEO na minsan na siyang tinanggihan, ay labis itong pinagsisihan hanggang sa ang masasabi niya na lang ay, “Huwag ka ngang epal, okay? Akin siya!” 
Hindi alam ni Wynter Quinnell na hindi siya tunay na anak ng Yates family. Noong tinalikuran siya ng kanyang childhood sweetheart at ng buong mundo, pinalayas siya ng Yates family at sinabi sa kanya na hanapin ang tunay niyang mga magulang sa butas kung saan siya nagmula…Tinawanan lang ito ni Wynter. Gugulatin niya ang lahat sa pamamagitan ng pagbubunyag ng lihim niyang pagkatao, at lumalabas na ang “butas” na sinasabi ng Yates family ay ang pinakamayamang pamilya pala sa Kingbourne, ang Quinnell family!Sa loob lang ng isang gabi, mula sa pagiging pekeng anak ng Yates family, na kinasusuklaman ng lahat, naging tunay na anak siya ng pinakamayamang tao sa buong bansa. Mayroon din siyang anim na kapatid na lalaki na mahal na mahal siya!Ang pinakamatanda niyang kapatid ay isang dominanteng presidente. “Itigil na muna natin ang meeting ngayon. Ikuha niyo ako ng ticket pabalik sa bansa—Gusto kong makita kung sino ang mga tao na may lakas ng loob para apihin ang kapatid ko!”Ang pangalawa sa pinakamatanda niyang kapatid ay isang sikat na celebrity. “I-cancel niyo ang function. Susunduin ko ang kapatid ko ngayon.”Ang pangatlong sa pinakamatanda niyang kapatid ay isang diyos sa kanyang propesyon. “Itigil niyo ang kompetisyon. Wala nang mas mahalaga pa kaysa sa kapatid ko.”Niyanig nito ang buong bansa!Pinagsisihan ng Yates family ang lahat ng maling ginawa nila, at sinubukan ng childhood sweetheart ni Wynter na makipagbalikan sa kanya.Ngunit bago pa man niya siya matanggihan, si Dalton Yarwood, ang presidente ng Yarwood Corporation at ang anak ng kilalang Yarwood family, ay nag-propose sa kanya. Naging usap-usapan siya ng lahat dahil dito! 
Noong patay na patay pa si Emilie Hoven kay William Middleton, muntik na siyang mamatay. Ngunit para kay William, isa lamang siyang taong magagamit niya na inakala niya na hindi kayang mabuhay ng wala siya. Kaya naman, nagdesisyon si Emilie na huwag na siyang mahalin. Hindi gusto ni William na masyadong kalmado, rasyonal, at independent si Emilie. Kalaunan, nagkatotoo ang kahilingan niya—nakita niya si Emilie na umaasa sa iba at naging maamo. Bagaman hindi sa kanya. Noong araw ng kasal ni Emilie, nakangiti siya ng masaya habang nakaupo siya sa isang upuan at hinihintay na makapasa ang groom niya at ang kanyang mga groomsmen sa pagsubok na inihanda niya at ng mga bridesmaid niya para sa kanila. Masigla ang paligid. Sa hindi inaasahan, biglang sumulpot si William. Lumuhod siya sa harap ni Emilie at hinawakan ang kanyang mga kamay, mukhang sinasamba niya siya. “Iwan mo siya, please. Sumama ka sa’kin. Ako ang una mong minahal, hindi ba?" 
Matapos palayasin ng pamilya Gray, si Shannon Gray ay mala mahikang naging tagapagmana ng mayamang pamilya.Nagsisisi ang pamilya Gray na pinalayas siya at gusto na ibigay ng pamilya Jensen ang kalahati sa mga assets nila bilang kumpensasyon. Ngumisi si Shannon at ginamit ang truth-telling talisman para i-expose ang tunay na kulay ng pamilya Gray at mga nakatago nilang baho. Katulad nito, noong may isang hinayupak na ayaw siyang lubayan, madali niyang binigyan ang taong ito ng bangungot gabi-gabi.Mababa ang tingin ng mga pinsan niya sa kanya at iniisip na kahihiyan siya, pero ang pinuno ng pamilya Shaw ay kumatok sa pinto nila, hinahanap siya. “Basta ba willing ka na iligtas ang anak ko, sasangayon ako sa kahit na anong kundisyon mo!”Ang pinuno ng isang mayaman na pamilya na hindi kasundo ang pamilya Jensen ay walanghiyang kumatok din. “Hangal ako dahil sa inasal ko noong nakaraan. Iaanunsiyo ko sa mundo na alila mo ako basta ba willing ka tulungan ako!”Kinalaunan, kahit ang pinsan ni Shannon, na minsang kinamumuhian siya, ay naging tapat na tagasunod niya. “Siya ang pinakadabest na pinsan, at isusumpa ko ang kahit na sinong kabaliktaran ang sasabihin tungkol sa kanya!”Matapos ang lahat ng nangyari, ang pamilya Jensen ay nahimasmasan na at napagtanto na si Shannon, ang akala nilang nakakaawang nilalang lang, ay isang master sa geomancy at divination.Kailangan iligpit ni Shannon ang mga tao at mga lugar na puro kasamaan, magligtas ng mga buhay at sumipsip sa mga mayayaman. Hindi niya mapigilan sabihin, “Pagod na ako.”Si Benjamin “Bigwig” Cooper ay nangunang tulungan siya sa kanyang mga pasanin. “Hindi mo na kailangang sumipsip sa akin. Iyo na ako.” 


Matapos iligtas ni Blair ang anemic na si Mable, makapal ang mukha niya sa pangungulit sa kanya na suklian siya gamit ang kanyang katawan. Ngunit, sa dalawang taon nilang pagsasama, paulit-ulit na tumanggi si Blair at sinasabi, “Hindi ka nababagay na magkagusto sa akin!” Kaya, nahimasmasan si Mable at napagdesisyunang bumalik sa tunay niyang sarili. Matapos ang paghihiwalay, nalaman ni Blair, na ang dating asawa na itinapon niya na parang lumang mga sapatos, ay naging isang makapangyarihan na tao. Sinasamba siya ng mga mayayaman bilang reyna nila, habang ang mga nakatagong pamilya naman ay itinuturi siyang kamahalan nila. Samantala, pinuno naman ang tingin sa kanya ng mga top mercenaries, habang alamat naman ang tingin sa kanya ng mga medical leaders. Kahit ang pinakamayaman na tao sa buong mundo ay araw-araw live na nagtatapat sa kanya sa engrandeng paraan… “Mr… Mr. Fowler, Si Madam—” “Gusto akong makita?” “Hindi po, ang prinsipe po ng Tolfiend, at major-general ng Sorolen ay patungo na po kay Madam para magpropose!” Hinampas ni Blair ang lamesa at tumayo. May tinawagan siya sa telepono at sinabi, “Mabes, magpakasal tayo muli…” “Magpakasal muli? Hindi ka nararapat!” 
”Pumapayag akong panatilihing sikreto ang kasal natin. Maghihiwalay tayo pagkatapos ng tatlong taon; Hindi na ako mananatili pa.” “Siguruhin mong tutuparin mo ‘yan.” Bilang parte ng kanyang plano na gantihan ang nagtaksil na pamilya at fiance niya, ikinasal si Skylar Sullivan sa puno ng pamilyang Martin, ang pinaka-prominenteng pamilya sa lungsod. Hindi nagtagal, ang kanyang pamilya at fiance niya ay lumapit sa kanya. Nagdala sila ng mga bigatin na kasundo nila; gusto nila siyang turuan ng leksiyon. Ngunit nang makita nila ang mga tao sa likuran ni Skylar, nalaglag ang kanilang mga panga. Bumagsak sila at nagsimulang humingi ng awa… Sa araw ng pagtatapos ng kasal, nag-iwan siya ng kasunduan sa diborsyo nang makita niya ang magkasintahan na ma-engage bilang seremonya ng siglo. Pagkatapos, nagsimula siya ng livestream. “Naghahanap ako ng mapapangasawa. Kung sino man ang interesado ay pwedeng mag-message lang.” Libu-libong mga tao ang nanood ng livestream; naging sikat si Skylar. Nang simulan niyang basahin ang mga mensahe na mga natanggap niya, isang mukha ng lalaki ang lumitaw sa screen kasama niya. Nakatayo ang lalaki sa likod niya at sinasabing, “Maliligo na ako, babe. Gusto mo akong samahan?” Sa sandaling iyon, nagkagulo sa live streaming platform dahil sa dami ng viewers. Nalaman ng lahat sa lungsod ang tungkol dito. Hindi ba ang lalaking kasama ni Skylar ay si… Joe Martin? 
Minahal ko si Chris Gildon sa loob ng mahigit isang dekada, pero ang sinasabi niya lang ay, “Nakakabagot ka. Hindi ko magawang maging interesado sa’yo.”Tinatalikuran niya ako at ginugugol ang kanyang mga araw at gabi kasama ang ibang babae.Sampung taon na naming kilala ang isa’t-isa, pero walang nangyayari sa relasyon namin. Nagpasya akong ayoko nang maging pangalawang opsyon niya,Kinalaunan, na-engage ako sa iba. Kumakatok si Chris sa pintuan ko sa kalagitnaan ng gabi. “Maddie…”“Anong magagawa ko para sa’yo, Mr. Gildon?”Sa sandaling lumabas ang mga salita sa bibig ko, isang nakakaakit na boses ng lalaki ang umalingawngaw mula sa kwarto. “Babe, saan mo nilagay ang underwear ko?”Nanginig si Chris at napadura ng dugo sa harapan ko. Ilang panahon makalipas noon, nakita kong nag-post siya ng Instagram Story. Nakasaad dito, “Kapag may pinakawalan ka, mananatiling ganoon iyon habangbuhay. Maaaring mahal ka niya ngayon, pero hindi ibig sabihin ay mamahalin ka niya magpakailanman. Kaya naman, pahalagahan mo siya habang nasa piling mo siya.”