Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2466

Pakiramdam tuloy ni Fabian ay ang eksenang nasa harapan niya ay parang isang panaginip. Naglakad siya ng paisa-isang hakabang, at ang eksena ay lalong naging totoo. Ang sigla ng dalaga na lumulundag at winawasiwas ang kanyang raketa ay malinaw sa kanyang paningin. Samantala, ang likod ng dalaga ay nagbigay sa kanya ng hindi maipaliwanag na damdamin. Kasabay nito, ang lalake na nakikipaglaro ng badminton sa dalaga ay nakita si Fabian. Ito ay ang matandang butler ng villa. Nang makita nito si Fabian, kaagad itong huminto at magalang na binati si Fabian. “Sir, nakabalik na pala po kayo.” Nang marinig ito, kaagad na huminto ang babae. Sa sumunod na segundo, lumingon ang dalaga at masayang tumingin sa kanya. Sa isang iglap, naramdaman ni Fabian na ang liwanag ng palubog na araw ay kuminam sa kanya. Ang masigla at batang ngiti ng dalaga ay parang isang ipinintang larawan. Ang maselan at maliliit na tampok ng mukha sa matambok na tabas ng kanyang hugis-itlog na mukha ay tila gawa sa kamay. Napakaganda niya. Matamis siyang ngumiti, at ang maliit nitong mga dimples na malapit sa kanto ng labi nito ang kaagad nagbigay ng kaligayahan kay Fabian na para bang tagsibol. Naglakad papunta sa kanya ang dalaga, binuka ang bibig nito, at malambing siyang tinawag, “Fab, nakabalik ka na!” Fab. Ang pangalan na ito ay parang langit sa pandinig ng dumapo ito sa mga tenga ni Fabian. Hindi nag-react si Fabian, at ang dalaga ay kaagad nang tumalon sa kanyang mga bisig. Nang makalapit sa kanya ang mainit nitong katawan, may tumitibok sa dibdib ni Fabian. Dapat ay estranghero siya para sa kanya, pero pamilyar sa kanya ang hipo at init nito. Gustong gusto niya ito, kaya hindi niya ito tinanggihan. Bigla pa nga niyang tinaas ang kanyang mga kamay para yakapin ang dalaga pabalik. Pagkatapos, sinabi niya ang mga maarugang mga salita mula sa kanyang bibig. “Sige na, tama na ang paglalaro. Tapos mo na bang gawin ang iyong takdang aralin?” “Fab, bakit mo ko pinipigilan? Biyernes ngayon. Hindi mo ba ako pwedeng hayaan na maglibang?” Kaagad na kumawala ang dalaga sa mga bisig ni Fabian at pinulot ang raketa na tinapon niya kanina. “Fab, laro tayo ng badminton kahit sandali lang.” Sinabi ng dalaga ang kanyang kagustuhan. Hindi, hindi naman siya nagpupumilit. Nakita ni Fabian ito at inalagaan niya ito sa kanyang puso. Subalit, nakatulala pa din siya habang nakatingin sa masigla at batang mukha nito. Sino ang babaeng ito? Bakit ganito ang nararamdaman niya? “Sige, Miss Lily. Tama na ang paglalaro. Halika ka na dito at kumain ka na ng prutas. Hindi ka marahil nakakain ng maayos habang nakatira ka sa campus.” Maririnig sa malayo ang boses ng katulong. Iyon ang ay ang mayordomo na nangangalaga kay Lillian nitong mga nakalipas. Nang marinig ito ni Fabian, kaagad siyang nabigla. ‘Lily?’ Nakatingin siya sa dalaga na puno ng pagkamangha. Tumalon-talon siya sa harapan ng katulong, ginamit ang tinidor para kumuha ng dalawang piraso ng prutas, at tumalon-talon pabalik kay Fabian na parang kuneho. “Fab, ah.” “...” Hindi makapaniwala si Fabian habang nakatingin sa batang mukha na masiglang nakangiti sa kanyang harapan. ‘Lily? ‘Si Lily to? ‘Paano nangyari to?’ Patuloy niyang itinanggi ang kanyang nakikita, pero mukhang totoo ang kanyang nakikita. “Fab, anong problema mo? Bakit ka nakatulala? Kalahating buwan lang ako nanirahan sa dorm at nakalimutan mo na kaagad ako?” Sumimangot at nagreklamo ang dalaga. Ang kanyang mapagbirong ugali ay ibang iba mula sa masunurin at tahimik na Lily na kilala ni Fabian. Subalit, tinatawag siya nitong Fab, at ang lambing niya at natural nang ginagawa niya ito. Isa pa, paresan pa ng kanyang malinaw at masiglang mga mata at maliit na dimples sa tabi ng bibig nito, malinaw na siya si Lillian.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.