Kabanata 2467
Nabigla si Fabian, pero kusa pa rin niyang binuka ang bibig niya.
Matamis na ngumiti ang babae sa harapan niya, nilagay ang prutas sa bibig ni Fabian, at pagkatapos ay masayang naglakad para hawakan ang buong plato ng mga prutas bago ito masayang kinain.
Habang masayang tinignan ni Fabian ang eksena sa harapan niya, naguguluhan pa rin siya.
Tinaas niya ang kamay niya at tinapik ang mukha niya. Natutulog ba siya?
Gayunpaman, sumakit ang mukha niya.
Paano siya nakatulog at umuwi nang ganito?
"Fab, ang tamis ng pomelo na'to. Ano sa tingin mo?" Narinig niya ang matamis na boses ni Lillian.
Nahimasmasan si Fabian at naglakad papalapit kay Lillian.
"Lily?" nagtataka niyang tanong, ngunit ang labing na naramdaman niya nang papalapit siya ay nagbigay sa kanya ng pakiramdam na si Lillian nga talaga ito.
Tinaas ni Lillian ang kanyang magagandang mga mata at kumurap. "Anong problema, Fab?"
"Lily, ikaw ba talaga si Lily?"
"Syempre ako si Lily." Nagtatakang tinignan ni Lillian si Fabian at hinawakan ang noo ni Fabian para tignan kung mainit siya. "Wala ka namang lagnat, kaya bakit ka nagtatanong ng ganitong klase ng tanong?"
"...Paanong nangyari to?" Naguluhan si Fabian.
Kumunot ang noo ni Lillian at mas lalo siyang nagtaka. "Anong sinasabi mo? Fab, masyado ka bang maraming ginawa sa trabaho nitong mga nagdaang araw kaya naguguluhan ka sa pagod?"
"Hindi." Umiling si Fabian, nakatitig ang kanyang itim na mga mata sa bilugan at nagtatakang mga mata ni Lillian.
"Lily, kailan ka nagsimulang magsalita? I-Ilang taon ka na ngayon?"
Nagsalubong lalo ang kilay ni Lillian. "Matagal na akong marunong magsalita. Nag-celebrate ako ng 18th birthday ko nitong nakaraang buwan lang. Nakalimutan mo na ba ang tungkol dun, Fab? Hindi kaya habang nakatira ako sa campus, nawalan ka ng alaala?"
“...”
18.
Matagal na siyang nakakapagsalita.
Nang makuha niya ang impormasyong ito, nagsimulang tumibok nang malakas ang puso niya sa kanyang dibdib.
Tinignan niya ang maliit na mukha na puno ng pagdududa sa harapan niya. Halos tumalon sa lalamunan niya ang puso niya.
Gayunpaman, pinigilan ni Fabian ang sarili niya.
“Lily.”
Tinitigan niyang maigi ang babae sa harapan niya at malambing siyang tinawag.
Ngumiti si Lillian at kumurap. "Nandito ako, Fab."
"Lily," muli niyang tawag.
"Nandito ako, Fab. Tanga ka ba? Masyado mo ba akong namiss noong nasa dorm ako ng kalahating buwan?" biro ng dalaga, ang kanyang masayahin at tusong itsura ay kabaliktaran ng tahimik at maamong itsura niya noong bata pa siya.
Hindi maipaliwanag ni Fabian ang nararamdaman niya sa sandaling ito, pero kumbinsido siya na totoo ang lahat ng nangyayari sa harapan niya.
Malaki na ang Lily niya at kaya na niyang magsalita!
Ang galing!
Sobrang galing!
Pinigilan ni Fabian ang pananabik sa puso niya at sinundan si Lillian pabalik sa bahay.
Sa sandaling ito, para bang napansin niya na medyo kakaiba ang mga dekorasyon sa bahay. Nagbago rin ang itsura ng mga katulong noon. Medyo tumanda na sila ngayon.
Napansin niya ang schoolbag sa sofa at kusa niyang naisip na schoolbag ito ni Lillian.
Lumapit si Fabian at dinampot ang schoolbag para tignan ito. Nang binuksan niya ito, nakita niya na puno ito ng mga pang-highschool na libro.
Talagang isa nang estudyante ng highschool ang munti niyang Lily?
Para ba itong isang panaginip.
Gayunpaman, isa itong magandang panaginip.
Interesadong tinignan ni Fabian ang libro ni Lillian. Samantala, nakaupo si Lillian sa tabi niya. Para bang sanay na siya sa lahat.
Gayunpaman, habang tinitignan ni Fabian ang mga libro niya, napansin niya ang isang love letter na nasa loob ng isang kulay rosas na sobre.
Tama, isa itong love letter.
Para bang kaagad na nagyelo ang kanyang maligayang puso habang nanlumo ang mukha niya.
Mabilis ding napansin ni Lillian ang pagbabago sa mukha ni Fabian. Lumingon siya para tumingin. Nang makita niya ang love letter na hawak ni Fabian, nagulat din siya.