Kabanata 2468
“Fab…”
"Ano to? Binigay ba to sa'yo ng lalaki mong kaklase?" Tanong ni Fabian, kalmado at malumanay ang tono niya, ngunit hindi na niya maitago ang inis sa kanyang mga mata.
Hindi nagtangkang magsinungaling si Lillian kay Fabian.
Bahagya siyang tumango na parang isang batang may nagawang mali.
Sa sandaling tumango si Lillian, biglang bumagsak ang puso ni Fabian.
Tinitigan niya ang magandang mukha sa harapan niya at bigla siyang may napansin.
Lumaki na ang munting Lily mula sa taong iyon, kaya ibig sabihin nito ay matanda na rin siya.
Naaalala pa niya noong unang beses niyang nakilala si Lillian. Limang taong gulang pa lang ang bata habang siya ay isang labimpitong taong gulang na binata. Labing-walong taong gulang na si Lillian ngayon at nasa masigla at masayahing edad. Samantala, isa na siyang matandang lalaki.
Marahang nilapag ni Fabian ang love letter na hawak niya at dahan-dahang tumayo para pumunta sa hagdan.
Tinitigan ni Lillian ang malungkot na likod ni Fabian sa hindi malamang kadahilanan at umakyat para habulin si Fabian nang hindi nagdadalawang-isip.
"Fab, bakit di ka nagsasalita?
"Fab, galit ka ba?
"Fab, anong problema? Hindi mo ba ako pinapansin?"
Binilisan ni Lillian ang lakad niya at tumakbo papunta kay Fabian. Hinarangan niya ang kanyang dadaanan.
“Fab.”
Pinigilan ang hindi namamansing si Fabian nang may seryosong ekspresyon.
Nag-aalinlangang huminto si Fabian. Sumikip ang puso niya nang maharap siya sa babaeng nasa kanyang harapan.
"Lily, gusto ko munang mapag-isa sandali."
"Bakit?" Pagtataka ni Lillian. "Galit ka ba sa'kin?"
Umiling si Fabian, halos hindi niya mapanatili ang malumanay na ngiti sa mga labi niya.
"Hindi ako magagalit sa'yo kahit na anong mangyari."
"Kung ganon, anong nangyayari sa'yo?" Hindi ito maintindihan ni Lillian. "Dahil ba to sa love letter na yun?"
Nang binanggit niya ang love letter, kaagad na naglaho ang ngiti sa mga labi ni Fabian.
Wala siyang sinabing kahit na ano. Sa halip, nilagpasan niya si Lillian at dumiretso sa study.
Pinanood ni Lillian ang anyo ni Fabian na umalis nang tahimik at nag-alala siya. Napuno ng kalungkutan ang maliit niyang mukha.
Pumasok si Fabian sa study at tahimik na naglakad papunta sa kanyang mesa. Pagkatapos, dinampot niya ang photo frame na nasa ibabaw mesa.
Mayroong larawan nila ni Lillian sa loob ng frame.
Hindi niya maalala kung kailan kinuha ang larawang ito. Ang Lillian sa loob ng larawan ay isa na ngayong matangkad at eleganteng dalaga.
Nagsalubong ang kilay ni Fabian at napaisip nang malalim. Gayunpaman, para bang hindi niya maalala ang kahit na ano sa paglaki ni Lillian mula sa pagiging isang bata hanggang sa maging dalaga siya.
Ngunit nang maalala niya na lumaki si Lillian sa tabi niya sa lahat ng nagdaang taon, sobrang gumaan ang pakiramdam niya.
Kahit na ganoon, lumaki siya sa edad kung saan una siyang makakaranas ng pag-ibig. Tinanggap na niya ang nararamdaman ng ibang mga lalaki.
Para bang napunta sa wala ang paghihintay niya sa mga nagdaang taon.
Tok, tok.
Mayroong mahihinang katok sa pinto ng study.
Nakita ni Fabian si Lillian sa gilid ng kanyang paningin.
Lumingon siya at nakita niya si Lillian na naglakad papunta sa kanya na may hawak na baso ng iced coffee.
Ngumiti siya, napakatamis ng ngiti niya.
"Fab, kakatimpla ko lang nito. Ito ang paborito mong iced Americano."
Hindi kailanman tinanggihan ni Fabian ang kagustuhan ni Lillian kaya inabot niya ang baso.