Kabanata 2469
"Iinumin ko to. Gawin mo na ang homework mo."
"Gagawin ko ang homework ko, pero may gusto muna akong sabihin sa'yo." Biglang naging seryoso ang ekspresyon ni Lillian.
Nilapag ni Fabian ang baso at bumilis ang tibok ng puso niya.
Natatakot siya na marinig si Lillian na magsabi ng bagay na hindi niya gustong marinig.
"Anong gusto mong sabihin sa'kin?"
"Tungkol ito sa love letter." Dumiretso sa usapan si Lillian.
Napatalon na naman ang puso ni Fabian. "Anong gusto mong sabihin?"
Kumunot ang noo ni Lillian habang diretsong nakatitig ang kanyang mala-salaming mga mata kay Fabian.
"Fab, naaalala ko pa rin ang sinabi mo. Sinabi mo na hindi ako pwedeng umibig nang maaga at kailangan kong mag-aral nang maayos. Naaalala ko yun lahat."
Nabigla si Fabian nang marinig niya iyon. Hindi niya maalalang sinabi niya iyon sa kanya.
"Fab, ginawa ko ang lahat ng iyon, pero matanda na ako ngayon."
Nang marinig niya ito, para bang alam na ni Fabian ang susunod na sasabihin ni Lillian.
Gustong ipahayag ng dalagang ito na nakarating na siya sa edad kung saan pwede na siyang umibig at mayroon na siyang taong nagugustuhan, iyon ang dahilan kaya niya tinanggap ang love letter.
Pakiramdam ni Fabian ay parang may humihila sa isipan niya, at sandaling nawala bait niya at ang pagiging kalmado niya.
"Sige, wag ka nang magsalita. Naiintindihan ko na."
"Hindi, kailangan kong sabihin to sa'yo dahil hindi mo alam." Pagpupumilit ni Lillian.
Hindi ito gustong marinig ni Fabian, pero dahil sa walang hanggan niyang pag-ibig para kay Lillian, hindi niya matanggihan ang hindi masundan at matigas na pag-uugali ng dalaga.
"Fab, iniisip mo siguro, tinanggap ko ang love letter kaya nilagay ko to sa schoolbag ko. Ang totoo, hindi ito kagaya ng iniisip mo. Ibabalik ko ang love letter sa kanya sa susunod na linggo pagbalik ko sa school, kaya nilagay ko to sa loob ng bag ko."
Nang marinig niya ito, para bang unti-unting bumalik ang tibok ng puso ni Fabian sa original nitong bilis.
Nagdududa niyang tinignan si Lillian, at unti-unting lumitaw ang isang sinag ng liwanag sa kanyang malalalim na mga mata.
"Tatanggihan mo ba ang lalaking nagbigay sa'yo ng love letter?"
"Tama ka." Ngumiti si Lillian. "Gusto kong sabihin sa kanya na meron na akong nagugustuhang iba, kaya hindi ako tatanggap ng iba pang lalaki."
Kakabalik lang sa pangkaraniwang bilis ng puso ni Fabian nang nagulo na naman ito.
"Meron ka nang taong nagugustuhan? Kailan nangyari yun? Sino yun?" Nagmamadaling tanong ni Fabian. Hindi na niya makontrol ang emosyon niya sa sandaling ito.
Nang hinarap ni Lillian ang natatarantang si Fabian, tumingin siya sa kanya nang may malambing na ngiti at nagsalita.
"Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula, pero naniniwala ko na ang taong ito ay matagal nang nasa puso ko. Napakaraming taon na ang nagdaan at patuloy na nanatili sa tabi ko ang taong ito. Siya ang pinakamaaasahang tao sa puso ko, at siya rin ang lalaking pinakamamahal ko."
Habang sinabi niya iyon, lumalim nang lumalim ang titig niya kay Fabian.
Samantala, para bang may naintindihan si Fabian mula sa mga mata ni Lillian.
"Fab, kilala mo ba kung sino ang gusto ko?" Matamis siyang ngumiti. Isang tao lang ang tumutugma sa kanyang paglalarawan.
"Fab, gusto kita...
"Ikaw yun…
"Ikaw…"
Nanatili sa tainga ni Fabian ang huling sagot ni Lillian at nanatili pa pagkatapos ng ilang mga sandali.
Sa sandaling ito, tumunog ang pamilyar na huni ng kanyang alarm clock. Biglang binuksan ni Fabian ang mga mata niya. Gising na gising na siya ngayon.
Habang tinignan niya ang paglubog ng araw sa labas ng bintana, napansin niya na isa lang itong panaginip.
Ang eksena at mga larawan sa panaginip niya ay mga ilusyon at pag-asa lang mula sa kanyang isipan.
Tinignan ni Fabian ang oras. Naghanda siya para sunduin si Lillian mula sa kindergarten.
Nang tumalikod siya, nakita niya ang photo frame sa mesa niya. Iyon ang larawan nila ni Lillian. Gayunpaman, ang bata sa larawan ay isa pa ring inosente at munting manyika.
Ngumiti si Fabian nang may magaan na pakiramdam at mabilis na nagpunta sa kindergarten para sunduin si Lillian.