Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2470

Dumating si Fabian sa gate ng kindergarten sa tamang oras at mabilis na sinundo si Lillian. Malinaw niya pa ring nararamdaman ang mapagmahal na tingin sa kanya ni Julie, pero magalang lang siyang ngumiti at tumalikod habang karga-karga si Lillian. Maingat niyang nilagay ang seat belt kay Lillian at tinapik ang ulo ng bata nang may malumanay na ngiti. Napakabata pa ng maliit na mukha sa kanyang harapan at napakainosente pa ng kanyang kaaya-ayang ngiti. Huminto si Fabian sa kanyang paglalakad. Hindi niya mapigilang maalala ang panaginip niya kanina. Sa panaginip niyang iyon, malaki na si Lillian at naging isang matangkad at eleganteng dalaga. Kaya niyang magsalita at naging napakamasayahin at napakasigla. Ang pinakapinagpapasalamat ni Fabian ay sa panahong lumaki si Lillian mula sa pagkabata hanggang sa pagdadalaga, nakatira siya sa iisang bahay kasama niya. Ligtas at malusog siyang lumaki sa ilalim ng pag-aalaga niya. Siguro dahil matagal siyang natulala, nakaramdam si Fabian ng humihila sa damit niya, at napansin niya na si Lillian iyon. Nagtataka ang bata kung anong nangyayari sa kanya at bakit siya nakatulala sa kanya. Ngumiti si Fabian. Pagkatapos ay sumakay siya sa kotse at umalis. Dismayadong nakatingin si Julie sa kotse ni Fabian, pakiramdam niya ay hindi nawala ang pakiramdam ng kawalan sa puso niya. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit tumanggi si Fabian na lumingon uli sa kanya kahit na napakagaling at napakahusay niya. Nalungkot si Julie, at nang makauwi siya, napansin rin ng nanay niya na malungkot siya. Kung kaya't namili ang nanay niya kasama siya dahil wala siyang pasok kinabukasan. Pagkatapos mamili nang mahabang oras, tulala pa rin si Julie. Wala man lang siyang gana na tumingin sa mga branded na damit at bag na gusto niya. "Julie, anong nangyayari sa'yo?" Nagtaka ang nanay ni Julie. "Simula nang nasaktan ka at naospital, parang palagi lang malungkot. May nangyari ba sa trabaho?" Umiling si Julie at ngumiti. "Wala lang to. Ma, hindi niyo kailangang mag-alala sa'kin." "Paanong hindi ako mag-aalala sa'yo ngayong nagkakaganito ka?" Nag-aalala pa rin ang nanay ni Julie at gusto niyang dalhin sa spa si Julie para pagaanin ang pakiramdam niya. Nagkataon, nakasalubong niya ang isa niyang kaibigan mula sa kanyang upper-class circle. Nang makita ng babaeng iyon sina Julie at ang ina niya, bumuntong-hininga siya at nanghihinayang na nagsabi, "Julie, napakaganda ng qualifications mo at isa kang nakakamanghang babae, kaya bakit ka nagkagusto sa isang single father na may anak na? At saka narinig ko na pipe ang anak ng single father na yun. Isa kang matinong babae na hindi pa kailanman kinasal, kaya bakit napakatanga mo para gustuhing maging stepmother?" Nang marinig iyon, nabigla si Julie habang napuno naman ng gulat ang mga mata ni Patty. "Ano? Anong nangyayari?" Hindi makapaniwalang tinignan ni Patty si Julie. "Julie, totoo ba ang sinasabi ni Mrs. Gil? Nagkagusto ka ba sa isang single father? Siya ba ang ama ng isa sa mga estudyante mo sa klase? Sabihin mo sa'kin ang lahat!" Pinikit siya ni Patty, pagkatapos ay para bang may naalala siya. "Siya yung binata na bumisita sa'yo noon sa ospital, tama ba? Si Mr. Johnson, tama? Siya ba yun? Naaalala ko na may kasama siyang napakagandang bata. Kaya pala pumunta siya sa ospital para bisitahin ka. Mukhang…" "Oh, Mrs. Charles, nakilala mo na ang single father na yun?" Sumingit si Ms. Gill sa gitna ng pagsasalita ni Patty ng may usiserang ekspresyon sa kanyang mukha. "Napakagwapo ng lalaki sa video na yan. Siya kaya yung Mr. Johnson na nabanggit mo." Kinuha ni Mrs. Gill ang phone niya at binuksan ang isang sumisikat na video. Sumilip din si Julie para tignan ito. Pagkatapos, napansin niya na ito ang video ng pagwawala ni Mr. Martinez sa harapan ng pintuan ng kindergarten kamakailan lang.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.