Kabanata 2471
Ang eksena ng paggawa ng gulo ni Mr. Martinez at ang pagligtas ni Fabian kay Lillian sa dulo ay nakuhanan lahat at pinakalat sa internet.
Medyo may konsensya pa ang taong ito at tinakpan ang mukha ni Lillian, ngunit malinaw na nakikita ang anyo ni Fabian sa video.
Nakilala ni Patty ang tao sa video biglang si Fabian sa isang tingin.
Pagkatapos makita ang mga komento sa ibaba, mas lalong kinabahan si Patty.
"Julie, paano kang nagkagusto sa isang single father?"
Kumunot ang noo ni Julie. "Oo, hindi ko to itatanggi. May gusto nga ako kay Mr. Johnson."
"Ano?"
"Tsk tsk… Julie, gusto mo ba talaga ang single father na'to?" Napakatuso ng mga mata ni Mrs. Gill. "May nag-ungkat ng lahat ng impormasyon niya, at lumabas na ang lalaking ito ay ang nakababatang kapatid ni Yorick. Noon, gumawa ng lahat ng klase ng gulo si Yorick at ginawa ang kahit na anong gusto niya sa F Country. Ang kapatid niyang babae, si Lana, ay kilala ring masama sa circle natin."
"Ano? Nakababatang kapatid siya nina Yorick at Lana?" Mas lalong kinabahan si Patty, natatakot siya na makikihalubilo ang pinakamamahal niyang anak sa isang taong may maduming pamilya kagaya ni Fabian.
"Narinig ko ang tungkol sa kuya at ate niya, pero nalaman ko rin na hindi siya sangkot sa mga bagay na iyon. Kung hindi, matagal na sana siyang inaresto ng mga pulis."
Seryosong sumagot si Julie at naging seryoso ang ekspresyon niya.
"At saka hindi si Mr. Johnson ang ama ng bata. Pansamantala lang niyang inaalagaan ang batang to para sa mga kaibigan niya. Kaya, pakiusap, Mrs. Gill, wag na kayong magtsismis tungkol sa kawalan ng kakayahan ng bata na magsalita. Malungkot na nga na hindi nakakapagsalita ang bata. Kung ikaw yun, tiyak na hindi mo gustong marinig ang iba na pinagtsitsismisan ang sarili mong anak, di ba?"
“...”
Si Mrs. Gill, na noong una ay gustong makinig ng tsismis mula kay Julie at pagkatapos ay pagtawanan ito kasama ng mga kaibigan niya, ay sobrang nanlumo.
"Ma, wag kang mag-alala sa'kin. Pangkaraniwan lang ang relasyon namin ni Mr. Johnson. Malamang ay hindi man lang niya ako itinuturing na kaibigan, at mas lalong hindi niya ako tinuturing na nobya."
Ngumiti si Julie at nagpaliwanag kahit na hindi siya sigurado kung bakit bigla siyang nakahinga nang maluwag.
"Ang dahilan kung bakit niya ako binisita noon ay hindi kagaya ng iniisip ninyo. Sa kabaliktaran, gusto niya lang na linawin ang lahat sa'kin. Problema ko ang pagkagusto ko sa kanya at wala itong kinalaman sa kanya. Hayaan niyo na lang ang mga keyboard warrior at mga pakialamero sa internet na sabihin ang gusto nilang sabihin. Wala akong pakialam."
Pagkatapos ipahayag nang simple ni Julie ang kanyang opinyon, desidido siyang umalis. Iniwan niya ang nag-aalalang si Patty at ang napahiyang si Mrs. Gill.
Naglakad si Julie sa daan nang walang destinasyon.
Nang mapadaan siya sa isang store ng mga branded na bag, tinignan niya ang mga naka-display sa bintana at biglang naging interesado.
Pumasok siya, pinili ang paborito niyang bag, a lot kuntentong lumabas ng pinto. Pagkatapos, sa gulat niya, nakita niya si Fabian na nakatayo sa tapat ng pinto habang buhat si Lillian.
Nang makita niya si Fabian sa sandaling ito, ibang-iba ang timpla ni Julie kumpara sa dati. Hindi na masyadong magulo ang tibok ng puso niya.
"Mr. Johnson? Lily? Bakit kayo nandito?"
Mainit na ngumiti si Fabian sa kanya.
"Lumabas ako para maglakad-lakad kasama ni Lily at di ko inaasahan na makakasalubong kita. Nagkataon ay nakita kita, ang nanay mo, at isang babae na malamang ay kaibigan ng nanay mo na nag-uusap sa pintuan ng jewelry store."
Sandaling napahinto si Julie. "Kung ganun, narinig mo ang usapan namin kanina?"