Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2472

"Narinig ko," diretsong pag-amin ni Fabian. Inisip ni Julie ay mahihiya siya dahil dito, pero hindi niya alam kung bakit kalmado pa rin siya. Kahit na ganoon, bahagya pa rin siyang nahiya. Para hindi mahiya si Julie, ngumiti si Fabian at nagsabing, "Gusto kitang tulungan na makaalis sa sitwasyong iyon, Ms. Charles, pero ayaw kong lumagpas sa limitasyon ko. At saka hindi ko inasahan na may kumuha ng video at pinakalat ito sa internet. Nagdala kami sa'yo ng maraming problema. Pasensya na talaga." Huminto si Fabian sa pagsasalita, pagkatapos ay malambing na tumingin kay Lillian. "Pero Ms. Charles, wag kang mag-alala, hindi na mangyayari ang ganitong problema sa hinaharap." Sandaling napahinto si Julie nang marinig niya ang mga salitang iyon, at sa hindi maipaliwanag na paraan, nakaramdam siya ng malakas na pakiramdam ng kawalan na nagmumula sa kailaliman ng puso niya. Nagdududa siyang tinignan si Fabian, at gayon na nga, nalungkot siya sa mga kasunod na salitang narinig niya. "Ms. Charles, nakahanap ako ng mas nababagay na paaralan para kay Lily, at mas malapit ito sa trabaho ko kaya mas madali para sa'kin na bumiyahe mula trabaho para sunduin si Lily." Pagkatapos pakinggan ang mga salita ni Fabian, sobrang nalungkot si Julie. "Mr. Johnson, nagpasya ka ba na ilipat ng paaralan si Lily para maiwasang mangyari ulit ang nangyari sa nakaraan?" Tumango si Fabian nang hindi man lang ito sinubukang itanggi. "Makakabuti to para sa'yo at sa amin." Tinignan ni Fabian si Lillian nang sinabi niya ang mga salitang 'sa amin'. Para bang may naintindihan si Julie sa isang sandali. Kasabay nito, naintindihan na niya na matagal na siyang umaasa sa wala. Sa mga mata ni Fabian, isa lang siyang taga-labas. "Mr. Johnson, tama ang naging desisyon mo." Pumayag si Julie at ngumiti nang may magaang loob. "Pasensya ka na sa nangyari kanina. Hindi tama ang sinabi ng nanay ko at ng kaibigan niya tungkol sa'yo." Hindi nagdalawang-isip si Fabian na magsabing, "Hindi mahalaga yun. Wala naman talaga akong pakialam sa iniisip ng iba tungkol sa'kin." Ang totoo, matagal nang naramdaman ni Julie ang bukas na isipan ni Fabian. Ngayon, pakiramdam niya ay dapat na niyang harapin ang lahat nang lantaran. "Mr. Johnson, dahil narinig mo to kanina, aaminin ko na rin na may gusto ako sa'yo, lalo na nang makita kitang inaalagaan mo nang maayos si Lily. Ang pagiging maalalahanin at pasensyoso mo ang pinakanagustuhan ko sa'yo." Binanggit ni Julie ang lihim sa puso niya. "Pero isa lang itong hindi masusukliang pagpapahalaga at pagkagusto na meron ako para sa'yo. Wala itong kinalaman sa'yo, Mr. Johnson, kaya umaasa ako na hindi mo damdamin ang problema at masamang salita na sinabi nila tungkol sa'yo. Pasensya ka na talaga." "Humihingi rin ako ng pasensya." Humingi rin ng tawad si Fabian. "May iba talaga akong motibo noong inimbitahan kitang bumisita sa bahay ko." Nang marinig ito, napahinto si Julie ng dalawang segundo. Hindi nagtagal, para bang mayroon siyang naintindihan. "Naiintindihan ko." Bahagya siyang ngumiti. "Mr. Johnson, siguro naramdaman mo na nagustuhan kita, kaya sinadya mong imbitahan ako sa bahay mo at tinawagan rin ang kaibigan mo para magpanggap na ireto ako sa kanya. Gusto mong maintindihan ko na wala kang nararamdaman para sa'kin ay umasa na maiaalis ko ang sarili ko sa nakakailang na sitwasyon." Ngayon na pinag-uusapan nila ito, malinaw na malinaw na ang lahat. Hindi tumango ni humindi si Fabian. Gayunpaman, malinaw na ang sagot. "Hay…" Bumuntong-hininga si Julie na para bang namomroblema at naiinis. Gayunpaman, puno ng isang magaang ngiti ang mukha niya. "Sayang naman. Bihira sa'kin na makakilala ng lalaki na sa tingin ko ay nakakamangha sa lahat ng aspeto. Akala ko na bilang anak ng isang ginagalang na negosyante, tiyak na makukuha kita, pero hindi ko naisip na hindi ko man lang makukuha ang interes mo." Para bang pinagtawanan ni Julie ang sarili niya, pagkatapos ay seryoso siyang nagsabi. "Sa totoo lang, hinahangaan talaga kita, Mr. Johnson. Pero alam ko ang tama. Hindi pwedeng ipilit ang isang relasyon. Ito ang pinakamahalagang parte ng isang relasyon." Nang marinig niyang sabihin iyon ni Julie, biglang naramdaman ni Fabian na kaagad na naglaho ang bigat sa puso niya.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.