Kabanata 2473
Dahil ito ang naiiisip ni Julie, naipakita nitong isa siyang makatwirang tao.
“Lily.” lumapit si Julie kay Lillian at umupo, binigyan ito ng maamong pagbati. “Lily, gustong-gusto talaga kita. Hiling ko na sana palagi kang masaya, at hiling ko na sana makapagsalita ka na.”
Magaling umunawa si Lillian. Ngumiti siya nang malambing at tumango nang maigi, ipinapakitang tinatanggap niya ang basbas ni Julie.
Tumayo si Julie at hinarap si Fabian. Sa ngayon, mas matindi na ang paghanga sa mga mata niya at nabawasan na ang pagpupumilit niya noon.
Kung may gusto ang isang tao, hindi nito kailangang magpumilit lagi para dito.
Hindi na nagsalita pa si Julie at nginitian na lamang si Fabian.
Hindi na rin nagsalita pa si Fabian. Yumuko siya at kinarga si Lillian. Bago tumalikod, binigyan niya si Julie ng isang maamong ngiti.
“Ms. Charles, pwede ka pa ring lumapit sa akin kung kailangan mo ng tulong sa susunod. Kahit anong mangyari, may utang na loob pa rin ako sa’yo.”
Ngumiti si Julie at umiling. “Natapos na ang utang na loob mo sa akin noong dumating ka at tinulungan mo ako. Pero sobrang saya ko pa rin na nagkaroon ako ng isang kaibigang tulad mo, Mr. Johnson. Kumain ulit tayo nang magkasama kung may pagkakataon.”
“Sige.” kaagad na sumang-ayon si Fabian. Kung magkaibigan lamang sila, hindi ito problema sa kanya.
Nakatayo doon si Julie, pinapanood si Fabian na maglakad palayo. Pagkatapos, bigla siyang lumapit.
“Mr. Johnson, may gusto pa rin akong itanong. Baka sakaling masasagot mo ako.”
Nang marinig niya ang boses sa likuran niya, unti-unting huminto si Fabian.
Lumingon siya, at isang maamong ngiti ang lumitaw sa kanyang gwapong mukha. “Anong gusto mong itanong?”
“Mayroon ka ba talagang babaeng nagugustuhan?”
Nang marinig ito ni Fabian, ibinaling niya ang kanyang titig sa inosenteng mukha ni Lillian sa loob ng ilang segundo. Pagkatapos, sumagot siya.
“Ang pinakamalaking hiling ko ngayon ay ang lumaki nang maayos at malusog si Lily, hindi ako mag-iisip ng ibang bagay bukod sa trabaho.”
Nang marinig ni Julie ang sinabi ni Fabian, hindi siya natuwa.
Mula sa mga mata ni Fabian, akala niya nakikita niya ang isang maliit na bakas ng pag-aalala at pagmamahal.
Hindi na siya nagsalita pa, at ganito rin si Fabian. Pagkatapos, tumalikod ito kasama ni Lillian nang walang-bahala.
Hindi nagtagal, naglaho siya sa paningin ni Julie.
Makalipas ang isang sandali, hindi na niya makita ang anino nito sa madla.
Pagkatapos, biglang may napagtanto si Julie. Marami siyang nakakatagpong tao sa buong buhay niya, ngunit ang ilan doon ay basta napadaan lang sa kanyang buhay.
Nitong Mayo.
Sa Glendale.
Si Ava na naisugod sa ospital dahil kay Esther, ay tuluyan nang gumaling at nakalabas ng ospital. Subalit, si Daniel na nasaktan sa pagprotekta sa kanya, ay nasa coma pa rin. Umaasa na lamang ito sa IV drips upang mapanatili ang pulso nito.
Hangga’t hindi nagkakamalay si Daniel, mananatili si Ava sa tabi niya.
Ganito rin si Gina. Tuwing nakikita niya si Ava, tinataboy niya si Ava sa inis. Subalit nang lumipas ang oras, mukhang napagod na si Gina na ulit-ulitin ang sinasabi niya. Kaya, tumigil na siya sa pagsasalita at tahimik na lamang na ipinapakita ang kanyang inis kay Ava gamit ng masamang ekspresyon.
Walang pakialam si Ava sa ugali ni Gina. Wala siyang ibang hiling sa puso niya kundi ang magising na kaagad si Daniel.
Ngayong araw, nagpunta siya sa hospital ward tulad ng palagi niyang ginagawa, ngunit nang makapasok siya sa ward, wala na itong laman.