Kabanata 2476
Pagkatapos basahin ni Old Master Graham ang mensahe ni Daniel, nanlaki ang mata niya sa sobrang galit.
‘Kalalabas lang niya ng ospital at tumakas siya para sa isang babae?
‘Sinabi niya pang kung hindi niya mapapakasalan ang babaeng ‘yun, hindi siya ikakasal?’
Hindi hahayaan ni Old Master Graham na mangyari ito.
Ngunit nang maisip niya ito, nabahala pa rin siya.
Kapag talagang hindi ikinasal si Daniel dahil dito, hindi ba ito na ang magiging katapusan ng Graham family?
‘Hindi ko dapat hayaang mangyari ito.’
Paglabas ni Ava, hinanap niya si Daniel sa mga lugar na naiisip niya. Ngunit pagkatapos niyang gugulin ang buong umaga sa paghahanap, hindi pa rin niya mahanap si Daniel.
Sinubukan niyang tawagan si Daniel, at kahit na kumonekta ang tawag, lagi itong hindi sinasagot.
Paglipas ng oras, napagod nang sobra si Ava. Umupo siya sa kanyang bangko sa tabi ng kalsada at pinagmasdan ang mga taong dumadaan. Pagkatapos, isang matinding pagkatuliro ang naramdaman niya.
‘Dan, napagpasyahan mo na bang sumuko?
‘Maghihiwalay na lang ba tayo ng landas nang ganito?’
Tahimik na tinanong ni Ava ang kanyang sarili. Ang pagiging tuliro niya sa sandaling ito ang nagpagipit at nagpalito sa kanya.
Sa sandaling ito, tumawag si Madeline.
Sinagot ni Ava ang tawag at sinabi dito ang tungkol sa kalagayan ni Daniel. Pagkatapos malaman ni Madeline ang tungkol dito, sumugod siya sa lugar kung nasaan si Ava.
Nang makita ni Ava si Madeline, namumula na ang mga mata niya.
Pinagaan ni Madeline ang loob niya at sinabi, “Ava, tingin ko biglaan lang ang ginagawa ni Dan. Hindi ka talaga niya susukuan dahil dito.”
“Gagawin niya ‘yun.” huminga nang malalim si Ava at pinakalma ang kanyang sarili. “Siguradong hindi ako tatanggapin ng pamilya niya, lalo na ang nanay ni Dan. Ang dami nang nangyari nitong nakaraan, at lahat ng ito ay nagdulot ng matinding panghuhusga ng pamilya niya sa akin.”
“Walang kinalaman sa’yo ang nangyari. Ikaw ang biktima.”
“Pero hindi ganoon ang tingin nila. Tingin nila tagadala lang ako ng malas na palaging pinapahamak si Dan,” sinabi ni Ava habang sumisinghal. Pagkatapos, bigla siyang ngumiti. “Siguro nga hindi kami para sa isa’t isa ni Danny at hindi ko dapat siya ilagay sa isang mahirap na sitwasyon.”
Naunawaan ni Madeline ang ibig-sabihin ni Ava, ngunit gusto niya pa ring kumbinsihin si Ava.
“Ava, kahit anong mangyari, hanapin muna natin si Dan. Kahit talagang maghiwalay kayo ng landas, dapat ka niyang bigyan ng malinaw na paliwanag sa halip ng paglayo nang ganito at pagtakas sa problema. ‘
Tumango si Ava bilang pagsang-ayon. Mukhang gumaan ang pakiramdam niya at ngumiti. “Maddie, tama ka. Dahil maghihiwalay na kami ng landas, dapat linawin na namin ito sa isa’t isa at magpaliwanag kami.”
Mula sa sinabi ni Ava, mukhang napagpasyahan na niyang igalang ang desisyon ni Daniel.
Ngunit alam rin ni Madeline na kahit sumang-ayon dito si Ava, ayaw pa rin nitong iwan si Daniel.
“Maddie, ibigay mo sa akin ang phone mo. Susubukan kong tawagan si Dan.”
Inabot ni Madeline ang kanyang phone nang hindi nagsasalita, ngunit ganito pa rin ang resulta. Hindi sinagot ni Daniel ang tawag.
Napabuntong-hininga si Ava sa inis, “Bakit siya nagtatago? Saan ba siya nagtatago? Naghalughog na ako sa lahat ng lugar.”
“Ava, huwag kang panghinaan ng loob. Subukan mong isipin kung may isa pa bang lugar na may alaala kayo ni Dan nang magkasama. Isang lugar na hindi niyo malilimutan. Kahit saan man ito, posible ito hangga’t may alaala niyo ang lugar na ito.”
Pinaalala ni Madeline kay Ava.
Napaisip nang malalim si Ava nang marinig niya ito.