Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2477

Ang mga magulang ni Daniel, na palihim na pinagmamasdan si Ava mula sa malayo, ay unti-unting nabahala sa loob ng kotse. “Hmph, ang kapal naman niyang sabihing may malalim siyang relasyon kay Dan? Ang tagal na at hindi niya pa rin alam kung saan nagpunta si Dan,” umirap si Gina at nagreklamo. Tiningnan ng tatay ni Daniel si Gina. “Huwag kang masyadong mapanlait. Sa ngayon, ang pinakamagalaga ay mahanap natin si Dan. Hindi masamang tao si Ava. Noong una, ayaw mo sa kanya kasi wala siyang magulang, pera, at kapangyarihan. Ngayon, buhay pa at maayos ang mga magulang niya, ang nanay niya ay sobrang yaman, at ang tatay niya ay isang doktor at propesor. Ano pa bang kinaiinisan mo? Gusto mo ba talagang manatiling binata ang anak mo sa buong buhay niya?” Hindi natuwa si Gina nang magreklamo ang kanyang asawa tungkol sa kanya. “Hindi ba tumanggi ka rin noong una? Pumayag ako sa relasyon nila pagkatapos noon, pero tumanggi ang tatay mo at piniling isalba ang kanyang reputasyon. Bakit mo ako sinisisi ngayon?” “Tumahimik ka.” sumingit ang tatay ni Daniel. Lalong nainis si Gina. “Bakit pwede kang magsalita at ako hindi…” “Paalis na sila.” pinaalam sa kanya ng kanyang asawa at kaagad na pinaandar ang kotse upang sumunod. Sa wakas, tinikom na ni Gina ang kanyang bibig. Makalipas ang isang sandali, huminto ang kotse ni Madeline sa gate ng Glendale University. Pagbaba nila ng kotse, naalala nila ang tag-araw noong mga ilang taon nang nakararaan habang nakatingin sila sa pamilyar na gusali sa harapan nila. Iyon ang unang araw nila sa kolehiyo, at sa mga oras na iyon, nakabunggo nila ang mga lalaking pinapangarap nila na mas matanda sa kanila nang isang taon. Ngunit ang tagal nilang naghintay para sa araw na makikilala na nila at mahuhulog na sila sa mga lalaking iyon. “Ava, tingin mo ba nasa Glendale University si Dan?’ tanong ni Madeline. Umiling si Ava at ngumiti nang bahagya. “Hindi ako sigurado, pero tulad ng sinabi mo Maddie, baka nasa isa siyang lugar na may alaala naming dalawa. Kaya kung ganoon, susubukan ko.” Nang sabihin ito ni Ava, naglakad siya patungo sa pasukan. Dahil bukas ang unibersidad, pumasok nang direkta si Madeline at Ava. Naghiwalay sila para maghanap, ngunit hindi nila mahanap si Daniel kahit saan. Lumalabas na ang paghahanap sa isang tao nang walang palatandaan ay napakahirap. Subalit, ipinakita rin nito kung gaano kahalaga para sa dalawang tao na magtagpo at mahulog sa isa’t isa. Habang lumilipas ang oras nang hindi nila namamalayan, unt-unti nang lumubog ang araw. Para bang hinalughog na nila ang bawat sulok ng lugar, ngunit hindi pa rin nila makita ang anino ni Daniel. Sa mga oras na ito, nainip na ang mga magulang ni Daniel sa paghihintay. Pareho silang pumasok ng paaralan upang hanapin si Madeline at Ava. “Kalokohan! Paanong mapupunta si Dan dito?” punong-puno ng pagdududa si Gina, ngunit nang paglingon niya, nakita niya si Ava. Nang makita niya si Ava na nakatayo sa ilalim ng isang puno nang mukhang tuliro, lumapit si Gina nang inis na inis. “Sinayang mo ang araw ko katatakbo mo. Pahirap ka talaga.” Nagreklamo siya nang walang pakundangan, ngunit nang umabante siya, nakita niya si Madeline na naglalakad patungo kay Ava mula sa kabila. “Ava, baka wala dito si Dan. Magtingin na lang tayo sa iba,” alok ni Madeline. Tumahimik sandali si Ava bago magsalita. “Maddie, baka hindi ko na dapat hanapin pa si Danny.” Napatingin si Madeline kay Ava sa gulat. “Bakit? Ayaw mo ba siyang kausapin?” Itinaas ni Ava ang kanyang tingin at ngumiti. “Dahil gustong mapag-isa ni Danny, hindi ko dapat siya guluhin. Atsaka, hindi naman sa pagitan ng dalawang tao ang kasal. Dapat kong igalang ang opinyon ni Dan pati ng mga magulang niya.”

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.