Webfic
Open the Webfic App to read more wonderful content

Kabanata 2478

Nang marinig ito, dahan-dahang napahinto si Gina. Hindi niya inakalang may respeto pa rin sa kanya si Ava kahit paano sa puso nito. Nagulat talaga siya dito. Ngunit narinig niya kaagad si Madeline na nagsasalita para kay Ava, “Ava, ginalang mo sila, pero kailanman ba ginalang ka nila? Dapat ginagalang niyo ang isa’t isa.” “Pero si Danny ay mananatiling anak nila. Kapag nagpumilit kami ni Dan na ikasal, hindi matutuwa dito ang mga magulang niya sa buong buhay nila,” sinabi ni Ava nang walang magawa. “Ayaw ko talagang maipit si Dan sa bagay na ito.” “Pero Ava…” “Maddie, ‘wag mo akong suyuin. Alam mo dapat na kapag mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo kailangang manatili kasama nila. Hangga’t ligtas sila, malusog, at masaya, sapat na ‘yun diba?” Mayroong ngiti ng ginhawa sa mukha ni Ava na parang huli na ang desisyon niya sa puso niya. Gusto pa siyang kumbinsihin ni Madeline, ngunit mukhang wala siyang pwedeng gawin sa sandaling ito. “Ava, aalis ka na pala? Titigil ka na ba sa paghahanap sa kanya?” “Ang daming lugar na ang pinuntahan ko, pero hindi ko pa rin siya mahanap. Siguro hindi talaga kami tinadhanang magkatuluyan ni Dan, kaya hahayaan ko na lang si Dan na mapag-isa.” Sinabi ni Ava at tumalikod siya para umalis. Kaagad na tumabi si Gina nang makita niya ito, sa takot na baka malaman ni Madeline at Ava na sinusundan niya ang mga ito. Ngunit sa sandaling ito, pinigilan ni Madeline si Ava. “Ava, ang layo na ng narating mo, kaya bigyan mo pa ng isang pagkakataon ang relasyon niyo ni Dan. Isipin mo kung ano ang hindi mo pa napupuntahan. Baka naghihintay si Dan na mahanap mo siya.” Huminto si Ava nang marinig niya ang mga salitang iyon. “May isang lugar pa akong hindi natitingnan.” “Saan?” “Hindi ako nagpunta sa hall. May renovation sign sa labas.” “Kung gustong mapag-isa ni Dan, siguradong hahanap siya ng lugar kung saan kaunti ang tao o walang laman. Baka nandoon siya!” Bumilis ang tibok ng puso ni Ava dito nang marinig niyang sinabi ito ni Madeline. Hindi na siya masyadong mag-isip nang lumingon siya para tumakbo patungo sa bulwagan ng unibersidad na ginagamit para sa mga leksyon at pagtatanghal. Sinundan siya ni Madeline, at sumunod rin sa kanila ang mga magulang ni Daniel. Tumakbo si Ava sa pinto ng bulwagan nang napakabilis. Sa sandaling iyon, napansin niyang wala na doon ang renovation sign kanina. Saglit lang bang natapos ang pagkukumpuni dito? Nagtataka siyang lumapit sa pinto upang buksan ito. Sa hindi inaasahan, madali niyang nabuksan ang pinto. Sa sandaling bumukas ang pinto, narinig niya ang isang mahinang himig mula sa isang piano. Pagkatapos, napukaw ang atensyon ni Ava sa entablado sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat at hindi makapaniwalang tumingin sa pamilyar na aninong tumutugtog ng piano nang nakatalikod sa kanya. “Danny?” Kumakabog ang puso ni Ava sa kanyang dibdib. Sa gitna ng dilim, ang tanging nagliliwanag ay ang lalaking nagtutugtog ng Wedding March sa piano sa ilalim ng liwanag. Wedding March? Napalaktaw ng tibok ang puso ni Ava. Naramdaman niyang may kakaiba, ngunit nang iniisip na niya kung anong nangyayari, tumigil ang tugtog ng piano. Nahimasmasan siya at tumitig nang diretso sa aninong lumilingon sa entablado. Nang magkatitigan sila, parang kumalma ang puso niya sa sandaling iyon. Nakita niya si Daniel na may hawak na isang bouquet ng rosas. Naglalakad ito palapit sa kanya nang nakangiti. Mukhang masigla ito, at mayroong lambing sa mga mata niya na nandoon lang noong hindi pa nawawala ang kanyang alaala. Dumaan sa isipan ni Ava ang lahat ng posibilidad hanggang sa lumapit sa kanya si Daniel nang may hawak na bouquet. “Naaalala ko ang lahat, kasama na ang mga sandaling nahulog tayo sa isa’t isa at ang mga oras nating magkasama. Habang nasa coma ako sa ospital, nararamdaman ko ang alaga mo araw-araw. Ikaw ang nagbigay sa akin ng kagustuhang magising.” Maamo ang tono ni Daniel, at ang mga mata niya ay lalong naging determinado. “Sa totoo lang, noong nakalabas ako ng ospital, sinubukan ko talagang kumalma. Naisip ko ring sukuan ka, ngunit naisip ko na kapag hindi kita nakuha sa buong buhay ko, mawawalan ng kahulugan ang buhay ko.” Pagkatapos niyang sabihin ito, biglang lumuhod si Daniel gamit ng isang tuhod sa harapan ni Ava. Inabot niya ang bouquet at ang singsing na siyamanteng inihanda niya noon. Pagkatapos ay tumingin siya nang taos-puso at muling nagtapat. “Ava, handa na akong makasama ka habang buhay sa hirap at ginhawa. Maaari ko bang itanong kung ibibigay mo ba sa akin ang pagkakataong ito na protektahan ka sa bawat pagsubok na haharapin mo sa mundo?” Pagkatapos magsalita ni Daniel, tumulo ang mga luha ni Ava. Paanong hindi niya ito gugustuhin? Noon niya pa siya handa dito. Kahit kailan hindi niya binalak na sumuko. Ito lang ang huling paraan niya. Hindi na niya pinaghintay pa si Daniel bago siya tumango sa kabila ng mga luha niya. “I do, I do!” Paulit-ulit na pumayag si Ava at hinila si Daniel paangat. “Kahit anong mangyari kasunod, pakakasalan kita at mananatili akong asawa mo.” Nagpakita si Daniel ng isang masayang ngiti, isinuot ang singsing na diyamante sa daliri ni Ava, at niyakap si Ava kasunod nito. Niyakap rin ni Ava nang mahigpit si Daniel.

© Webfic, All rights reserved

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.