Kabanata 76
Tumama ang paningin ni Shirley sa balkonahe, malinaw na dito dumaan ang taong pumasok sa kanilang bahay. Naiwang nakabukas ang pinto nito, at nang marinig nila ang alarm, agad na sumugod ang ilang mga kasambahay sa kuwarto.
Nagsuspetsa si Shirley na mayroong taong gustong manakit kay Owen. Agad siyang nagutos sa mga kasambahay na magkaroon ng mga shift para mabantayan nang walang tigil si Owen bago niya utusan ang mga ito na maglagay ng mga surveillance camera sa paligid.
Nang makabalik siya sa kaniyang kuwarto, nakita ni Shirley na nasa loob na si Benjamin. Nang maalala niya ang kakaiba nitong ikinilos ngayong araw, nagtanong siya ng, “Saan ka nagpunta kanina?”
Tiningnan lang nito si Shirley pero hindi ito sumagot.
Dito na nanlamig ang kaniyang boses. “Benjamin, bakit ka sumangayon noong sabihan ka ni Rachel na matulog dito kanina?”
Walang pakialam namang sumagot si Benjamin ng, “Hindi ba’t ito ang gusto mo?”
Pero kailan pa nagkaroon ng pakialam si Benjamin sa gusto ng ibang tao

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil