Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 1245

Ngumiti si Wilbur at sinabi niya, “Tulad ng sinabi mo, pulitika ito. Hindi ibig sabihin na ito ang tunay na opinyon ng tatay mo sa akin. Naiintinidhan ko ito.” Tahimik ng ilang sandali si Faron bago niya sinabi ng mabagal, “Akala ko ay palalayasin mo ako.” “Sa tingin mo ba ay mabilis ako magalit?” Tumingin ng masama si Wilbur kay Faron at sinabi niya ito. Tumawa si Faron at sinabi niya, “Ito ang rason kung bakit ikaw ang boss ko. Itabi na natin ang problemang ito sa ngayon. Bigyan mo ako ng ilang araw para huminahon at kakausapin ko ang tatay ko.” “Mabuti. Siguradong nag aalala sila sayo.” “Naiintindihan ko. Pwede mo nang kausapin si Faye ngayon. Matutulog na ako at gigising ng maaga,” Umalis si Faron pagkatapos itong sabihin. Gayunpaman, ang mga yapak niya ay tila mas mabigat kaysa sa karaniwan. Pagkatapos umalis ni Faron, kumunot ang noo ni Faye at sinabi niya, “Wilbur, ano sa tingin mo ang tungkol dito?” “Hindi ako interesado sa pulitika. Gumawa ng sariling desisyon si Orin,

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.