Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 1280

Tumayo si Bailey at lumapit din siya kay Wilbur. Tumingin si Wilbur sa kanya, at pagkatapos kay Jack. “Tumayo ka na, pwede natin ‘tong pag-usapan.” Tumangging tumayo si Jack, tumutulo ang mga luha sa kanyang mukha. “Alam kong malakas ka, sir. Pinilit nila akong turukan ng basurang ‘yun, at wala nang pag-asa para luminis ako. Hahanapin pa rin ‘yun ng katawan ko pagbalik ko. Pakiusap, tulungan mo ako.” Kinumpas ni Wilbur ang kanyang kamay, at binuhat ng isang hindi nakikitang pwersa si Jack. Kasunod nito, pinadaloy ni Wilbur ang spiritual energy papasok sa katawan ni Jack. Napuno ng matinding sakit ang ekspresyon ni Jack, at napaungol siya sa sakit. Maraming beses na nagpaikot-ikot sa katawan ni Jack ang spiritual energy ni Wilbur bago ito huminto. Nang makatapos siya bumagsak si Jack sa sahig, namumutla ang kanyang mukha. “Matutulungan lang kitang alisin ang droga sa katawan mo. Kakailanganin mong umasa sa sarili mo para manatili kang malinis, nakasalalay ‘yun sa tibay ng loob mo

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.