Kabanata 370
“Mr. Lester, wag po kayong mainis. Kakausapin ko po si Wallace,” Sumingit si Wendy nang mapansin ang galit ni Chad.
Hindi kaya ni Chad na magpatuloy sa pag sigaw sa harap ng magiging manugang niya, kaya umupo siya at nagbuntong hininga. “Wallace, maging mabait ka kay Wendy. Mas matalino siya sayo, at mas magaan ang loob ko kung tinulungan ka niya.”
Tumango lang si Wallace.
Ngunit, napansin ni Wilbur ang pahiwatig sa mga salita ni Chad. Ito ay para bang pinapahiwatig niya ang pagpasa ng legacy niya.
Pinili siguro ni Chad ang manugang niya para tumulong sa walang kwentang anak niya, at nirerespeto niya siguro si Wendy.
Ang sabi ni Wilbur, “Mr. Lester, wag kang magalit. Ang ugali ay isang maliit na bagay na malaki ang epekto. Mas mataas ang chansa mo manalo kung kalmado ka.”
“Wow, tingnan mo si Mr. Quotes dito!” Ngumisi si Yohan kay Wilbur. “Hinahayaan lang kita na umupo dito dahil kay Mr. Lester, kaya tumahimik ka. Ang Giftgather Villa ko ay hindi bukas para sa kahit sino lang.”
T

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil