Kabanata 916
Kaya naman, pinatunog ni Wilbur ang bell sa mesa para tawagin ang manager ng hotel.
Ang manager ay isang magandang babae din. Pumasok ito at yumuko ng mabait kay Wilbur.
Talagang nasa loob siya ng isang top-notch casino. Ang bawat isang miyembro ng staff ay may perpektong katawan at itsura.
Tumingin si Wilbur sa manager at sinabi niya, “Paki-exchange ng mga chips na ito para sa Dashan Dollars, pagkatapos ay itransfer ang sa card na ito.” Nilagay niya ang isang card sa tuktok ng chips.
Ang manager ay yumuko at sinabing, “Pasensya na po, sir. Kailangan po namin ng oras para bilangin ang chips. Kailangan niyo po maghintay ng konti.”
“Gaano katagal ito?” Kumunot ang noo ni Wilbur. Naisip niya na sapat na ang isang oras para bilangin ang chips. Ito ay isang bagay na hindi naman komplikado.
Sumagot ang manager, “Mahirap po masabi. Baka po bukas, o baka po sa loob ng ilang araw.”
Dumilim ang ekspresyon ni Wilbur. Sa tingin ba nila ay isang tanga siya? Paano naman aabot sa ilang araw an

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil