Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 1113

Nanigas sa iisang pwesto si Madeline. Nagsimulang kumalat sa katawan niya ang kasiyahan. Ang madilim niyang mundo ay kaagaf na lumiwanag nang painitin ng liwanag ang naninigas niyang puso. "Jeremy, Jeremy…" Bibigay na si Madeline. Walang laman ang isip niya at nakatitig siya sa lalaki sa gitna ng maraming tao. Kasabay nito, narinig niya ang mga taong nagbubulungan sa paligid niya. "Si Mr. Whitman ba yan?" "Oo siya yan." "Bakit niya iniba ang itsura niya? Nakasuot ba siya ng colored contacts?" "Maganda pa rin naman siya tignan ngayon. Basta maganda siyang tignan, kaya niyang gawin ang kahit anong gusto niya sa itsura niya." Humigpit ang pagkakahawak ni Madeline sa kanyang baso nang marinig niya ang sinabi ng mga panauhin. Nagpakulay ba siya ng buhok? Nakasuot ba siya ng color contacts? Tinignan niya ang lalaki nang naguguluhan. Napakarami niyang iniisip na dumadaan sa kanyang isipan at gustong tumakbo papunta sa kanya. Ngunit pinigilan siya ng katinuan niya.

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.