Kabanata 1304
Subalit, di nagdadalawang-isip si Ryan na gumamit ng karumal-dumal na paraan!”
Sinubukan ni Madeline na kumawala sa pagkakahawak ni Ryan, ngunit sobrang lakas ng lalaki at pakiramdam niya mababali na ang kanyang buto.
Habang pwersahan siyang pinapasunod sa likod nito, ang kanyang sapatos ay nalaglag sa gitna ng magulo niyang hakbang.
Sumabog ang galit ni Ryan. Di na ito ang maamo at maginoong lalaking nakilala niya.
Hinila nito si Madeline sa storage room ng villa kung saan sari-saring bagay ang nakalagay. Dahil di ito nasisinagan ng araw, amoy luma ang kwarto.
Idiniin ni Ryan si Madeline sa pader at hinawakan siya sa balikat, pinilit siyang harapin ang galit nitong mukha. “Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Dapat ba pahirapan kita? Sasabihin ko sa’yo, Eveline Montgomery, di kita mahal tulad ng inaakala mo. Di lalambot ang puso ko dahil sa’yo!”
Itinikom ni Madeline ang kanyang labi at ngumiti nang sarkastiko. “Ano ngayon kung mahal mo ako o hindi? Pahirapan mo ako kung gusto mo

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil