Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 1328

”Kung isa itong sikreto, paano ko masasabi ito sa ibang tao ng ganung kadali?” Mukhang ayaw sabihin ni Adam ang buong detalye, pero hindi rin niya ito tinatago. Tinitigan niya ang mga mata ni Jeremy at sinabi, “Jeremy, kapag sinabi ko sayo na hindi ako ang gumawa ng slow-acting poison na ito, maniniwala ka ba?” Kung noon, hindi maniniwala si Jeremy sa kanya. Ngayon, sumagot siya ng walang alinlangan, “Oo.” May kinam ang mga mata ni Adam ng marinig niya ang sagot ni Jeremy, at nabalot ng lungkot ang kanyang mukha. “Alam mo ba kung bakit ko gusto maging doktor?” Nag-isip muna ng malalim si Jeremy bago sumagot, “May kinalaman to sa mga magulang mo, tama?” Hindi nagulat si Adam na may ganung spekulasyon si Jeremy. “Mukhang tinignan mo na ang aking pinag,ulan.” “Tinignan ko na ang tungkol sayo at kay Ryan.” Pag-amin ni Jeremy. Bahagyang ngumiti si Adam. Tumingin siya sa baba, at ang kanyang mga mata ay natago sa anino ng kanyang salamin kaya hindi makita ang ekspresyon nito.

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.