Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 1429

Nagulat rin si Madeline nang makita niya ang taong bumaba mula sa kotse. "Shirley, bakit nandito ka din?" Ngumiti si Shirley. “Hindi ba sinabi ko noon na uuwi ako? Ito ang bahay ko.” Tinuro ni Madeline ang maliit na villa sa tapat nila. “Ito ang bahay mo?” “Oo, ito ang bahay ko.”Kampanteng tumango si Shirley. Pagkatapos, naglakad siya palapit kay Adam na seryoso ang mukha. “Adam, nakauwi na ang kapatid mo. Bakit mukhang hindi ka masaya?” Nagulat si Madeline sa impormasyong nalaman niya. “Shirley, ikaw ang kapatid ni Adam?” “Oo, kapatid ako ni adam. Ako ang kapatid niya at pareho kami ng tatay at nanay.” Inangat ni Shirley ang kanyang kamay at dahan-dahan niyang tinapik ang balikat ni Adam. Ngumiti siya. “Adam, bakit hindi mo ipakilala sakin ang mga kaibigan mo?” Narinig ni Adam ang sinabi ni Shirley at ngumiti siya. “Hindi ko na sila kailangang ipakilala sayo dahil mukhang kilala niyo naman na ang isa’t isa.” Humakbang siya paharap na para bang sinasadya niyang iwasan si Shirley.

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.