Kabanata 1458
Subalit, siya ang pumili ng kanyang wakas.
Tahimik na tinitigan ni Madeline ang urn. Pagkatapos, narinig niya ang malamig na boses ng lalake mula sa kanyang likuran.
“Walang magagawa ang kalungkutan. Pigilan mo yang mga luha mo at alagaan mo ng maigi ang sarili mo.”
Nilingon siya ni Madeline at inangat ang kanyang malinaw at magandang mga mata. “Nakita mo ba akong umiyak?” Kalmado niyang tanong at tahimik na pinagmasdan ang urn na nakapatong sa may lamesita. “Ito ang landas na pinili niyang tahakin.”
Pagkatapos niyang sabihin ito, bumalik na si Madeline kung saan siya nanggaling.
Hindi inaasahan ng lalake na kalmado siyang sasagutin ni Madeline. Sa mga sandaling yun, hindi alam ng lalake kung ano ang gagawin niya habang lutang naman ang kanyang isipan dahil sa nangyari.
Inangat niya ang kanyang ulo para tignan si Madeline na nakaalis na. Bigla siyang nagtaka. Na may mga matang puno ng determinasyon at lakas ng loob, ano kaya ang personalidad ng babaeng ito? Isa pa, ano kaya

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil