Kabanata 1541
Ayaw ni Madeline na hindi kumibo. Tumalikod siya at tumingin nang kalmado sa mga mata ni Carter.
“Mr. Carter, salamat sa pagtulong sa akin kanina. Kung di mo ako tinulungan kanina, tingin ko i na maniniwala ang nanay mo sa kahit anong sabihin ko.”
Tinignan siya nang malalim ni Carter. “Sinasabi ko lang ang totoo. Nagkataong lang ang pangalan mo at ang mukha mo ay retokado diba?”
“...”
Walang masabi dito si Madeline.
Naniwala ba si Carter sa sinabi niya?
Nagdududa si Madeline, ngunit nang tingnan niya ang mukha ni Carter, parang hindi naman siya pinagdududahan nito.
“Di ka pa pwedeng umalis. Makakaalis ka lang kapag nakaalis na ang mga bisita.” Pinaalalahanan ni Carter si Madeline at muling dumapo sa mukha niya ang titig nito.
Ang mukhang ito ay makinis at walang kupas. Atsaka, maputi at maliwanag ito. Walang palatandaan na nasunog ito.
Siguro may pambihirang galing ang doktor na gumamot kay Madeline.
“Paanong gumaling nang ganito ang mukha mo sa napakaikling panahon?”

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil