Kabanata 1707
Nang marinig ni Madeline na tinatanong siya ng nars, kaagad siyang bumalik sa katinuan.
Naglakad siya papunta sa nars at hinawakan ang kamay nito. Nars, nasaan ang anak ko? Bakit nawawala ang anak ko?”
“Nawawala?” Napakurap ang nars sa kalituhan. “Si Lillian ay natutulog sa kasunod na ward. Paano siya mawawala?”
“Sa kasunod na ward?”
Kaagad itong naunawaan ni Madeline at napansin na hindi pala ito ang ward ni Lillian.
Tumakbo siya palabas ng ward at pumasok sa kasunod na ward.
Nang makita niya si Lillian na natutulog ng mahimbing sa may kama, huminahon na din ang kumakabog na dibdib ni Madeline.
“Linnie.” Pumunta sa likod ni Madeline si Jeremy at inangat ang kanyang kamay para himasin ang buhok nito.
Kaagad na lumingon si Madeline paharap kay Jeremy at niyakap ito ng mahigpit. Hindi na niya mapigilan ang luha na naipon sa kanyang mga mata.
Niyakap ni Jeremy si Madeline habang naaawa para dito. Pinakalma niya ito, at sinabi, “Palagi akong nasa tabi mo. Umiyak ka lang ha

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil