Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 1759

Nilabas ni Madeline ang kanyang phone at tama ang kutob niya na si Fabian ang tumatawag. Tinanggal na nito ang pagkakablock ng numero niya sa phone nito. Nanginig ang mga daliri ni Madeline, pagkatapos ay kaagad niyang sinagot ang tawag. “Fabian, saan mo dinala si Lily? Ibalik mo siya sa amin ngayon din!” Natataranta ang tono ni Madeline, at malinaw kung gaano na ito nag-aalala sa mga oras na yun. Syempre, inaasahan na ni Fabian na magkakaganito si Madeline. Pero, napakakalmado ng boses nito. “Mrs. Whitman, alam ko na nag-aalala ka para sa pinakamamahal mong anak na babae. Tinatawagan kita para lang ipaalam sa inyo na ligtas siya. Hindi niyo kailangan mag-alala pa. Walang masamang mangyayari sa kanya.” Napakalamig ng boses ni Fabian; ang kanyang pangako at garantiya ay lalo lang bumalisa kay Madeline. “Fabian, hindi kita kailangan para sabihin sa akin na ligtas ang anak ko. Ang gusto ko lang ay makita ang anak ko ng mga mata ko mismo. Magiging tunay na maayos ang anak ko k

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.