Webfic
Abra la aplicación Webfix para leer más contenido increíbles

Kabanata 1887

Mula sa pagkabahala sa tono at sinabi ni Carter, naririnig ni Madeline kung gaano nito hinihiling na sana ayos lang ang bata sa tiyan ni Shirley. Ngunit ang natanggap niya ay ang malungkot na pag-iling ng doktor. “Anong relasyon mo sa pasyente?” Tanong sa kanya ng doktor. Mukhang natulala si Carter sa tanong. Sino ba si Shirley para sa kanya? Asawa ba siya nito? Hindi. Ngunit ipinagbubuntis nito ang anak niya. Kasintahan niya? Hindi rin. Hindi niya ito kailanman pinangakuan tulad ng ginagawa ng mga magkasintahan. Ang relasyon nila ay hindi na mailalarawan sa madaling salita. Nagtaka ang doktor nang makita nito si Carter na hindi nagsasalita nang matagal. Tapos nagsalita na si Carter. “Ako ang… kasintahan niya.” ‘Tama ba? ‘Mahal pa rin naman niya ako diba?’ Inisip ni Carter habang pinapakalma niya ang kanyang sarili. Nang marinig ito ng doktor, ang unawa niya dito ay bilang mag-asawa. “Sir, ikinalulungkot kong sabihin na wala na ang bata sa tiyan ng asawa

Haga clic para copiar el enlace

Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante

Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil

© Webfic, todos los derechos reservados

DIANZHONG TECHNOLOGY SINGAPORE PTE. LTD.