Kabanata 2166
Mabilis na nasagot ang tawag ni Maisie. Desidido siyang nagsalita nang diretso, "Ava, nasa Glendale Restaurant ako ngayon. May nakita akong interesanteng disenyo rito. Ang disenyo mo na tinanggihan ni Mr. Branson na binura mo ay na kay Laura ngayon. Sinasabi pa niya na kanya yun pero malinaw na sa'yo yun. Ava, pwede ka bang pumunta rito ngayon?"
Habang nakinig sila sa mga salita ni Maisie, nagkatinginan sina Laura at Bill. Malamang ay medyo kinakabahan sila.
Subalit, narinig nilang lahat ngayon lang na binura ni Ava ang disenyo noon. Kung kaya't hindi nila kailangang masyadong kabahan.
Nang hihinga pa lang sila nang malalim para kumalma, bigla nilang narinig ang masayang sagot ni Maisie, "Ava, naghahapunan rin kayo ng mga kaibigan mo sa Glendale restaurant? Pupuntahan kita sa private room mo. Anong room number…"
Sabi ni Maisie habang naglakad siya papunta sa pinto.
Natatarantang tinignan ni Bill si Laura bago naglakad papunta sa tabi ni Mr. Lowe.
"Mr. Lowe, kaka-graduate pa

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil