Kabanata 2409
Sa loob ng coffee shop.
Magkaharap na naupo sina Madeline at Esther.
Dinampot ni Esther ang mainit na kape na kakahain lang sa kanya, ininom ito, at naunang nagsalita.
"Mrs. Whitman, may tatlo lang anak, tama? Narinig ko na pinahirapan ng isang babaeng miyembro ng gang ang nag-iisa mong anak na babae hanggang sa hindi na siya makapagsalita. Pipe pa rin siya hanggang ngayon. Totoo kaya yon?"
Medyo nailang si Madeline sa biglaang pagkabanggit kay Lily na sa sobrang takot kay Lana ay nawalan ng tapang na magsalita.
Gayunpaman, kalmado niya pa ring tinaas ang kanyang tingin at bahagyang binuksan ang kanyang bibig. "Mrs. Mendez, pwede mong sabihin ang gusto mong sabihin. Nakarating na tayo sa puntong ito at may mga bagay na naiintindihan na kahit hindi ito pag-usapan. Hindi mo na kailangang magpaligoy-ligoy pa."
Bahagyang ngumiti ang mapupulang labi ni Esther. "Hindi ko pa rin maintindihan kung anong ibig mong sabihin nang sinabi mo ang mga salitang iyan. Gusto ko lang malaman k

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil