Kabanata 51
Kung siya iyon, anong pagkatao ang kanyang ginamit para tulungan siyang bayaran ang kanyang utang? Nagpresenta ba siya bilang kanyang asawa?
Subalit, nadurog kaagad ang kanyang ekspektasyon. Nagsabi sila ng isang pangalan---Daniel.
Kaagad na tinawagan ni Madeline si Daniel. Pagkatapos ng ilang sandali ay dumating siya.
Nang sinabi ni Madeline sa kanya ang tungkol dito, nakahinga siya ng maluwag. "Akala ko may masamang nangyari sa'yo, Maddie. Ito lang pala. Wala lang 'yon. Hindi mo na 'to kailangang dibdibin pa."
"Wala lang 'yon." Seryosong tinitigan ni Madeline si Daniel. "Dan, hindi ko alam kung kailan kita mababayaran. Maraming salamat."
"Hindi mo kailangang magmadali. Hindi ko kailangan yung pera kaagad-agad."
"Alam ko 'yun pero---"
"Kung gusto mo talaga akong pasalamatan Maddie, eh di pwede mo kong ilibre ng pagkain. Dumating ako dito nang di pa kumakain." Pinutol ni Daniel si Madeline. Mariin siya nitong tinitigan nang may marahang titig. "Masaya ako na natutulungan

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil