Kabanata 582
Suot ng babaeng yun ang mamahaling puting gown na nakita ni Yvonne sa shop kaninang umaga habang papasok siya sa hotel.
Yung host na nakasuot ng isang suit ay yumuko at binati ang babae na para bang isa siyang reyna. Napakagalang niya sa babae.
Humanga si Yvonne habang pinagmamasdan niya ang babae. Nangangarap siya na sana ay may magtrato rin ng ganun sa kanya.
Natauhan lamang si Yvonne noong tinawag ni Karen ang pangalan niya.
Dahil wala silang imbitasyon, dumaan sila sa pinto sa gilid ng hotel.
Noong makarating sila sa party, kumislap ang mga mata ni Yvonne.
Nakita na niya ang mga ganitong party sa mga palabas sa telebisyon noon, ngunit hindi pa niya ito personal na naranasan.
Marami siyang nakitang nakapostura at naggagwapuhang lalaki. Kaya naman, naghahanap na siya ng target niya.
Pagkalipas ng ilang segundo, napako ang tingin niya sa isang gwapong binata.
Noong susubukan niyang lumapit at magkunwari na di niya sinasadyang bumangga sa lalaki, hinablot siya ni Kare

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil