Kabanata 669
Naningkit ang malalamig na mga mata ni Felipe sa kanya. "Anong ginagawa mo?" tanong niya pabalik nang may malamig na boses at madilim na ekspresyon. "Sa akin na si Eveline. Wala na siyang kinalaman sa'yo, Jeremy. Isipin mo ang ginawa mo kay Eveline noon. Kung hindi dahil sa'kin, abo na lang ngayon si Eveline."
Mabigat na tumama sa puso ni Jeremy ang mga salita ni Felipe.
Kung hindi siya niligtas ni Felipe, baka sumakabilang-buhay na siya…
Si Felipe ang nagbigay kay Madeline ng pagkakataon na mabuhay muli.
Para bang biglang nahigop ang lahat ng lakas ni Jeremy. Binitawan niya si Felipe.
"Jeremy, tandaan mo ang sinabi mo. Wag mo nang guluhin si Eveline."
Nag-iwan ng huling paalala si Felipe bago tumalikod habang dala-dala si Madeline sa kanyang mga braso.
Habang pinapakinggan ang papalayong mga yabag, pakiramdam ni Jeremy ay para bang alon sa dagat si Madeline na unti-unting nawawala sa labas ng bintana. Naging nakaraan na lang niya ito at hindi na niya ito maaabot kahit ka

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil