Kabanata 716
Alam ni Karen na iuuwi ni Jeremy si Madeline para maghapunan kaya naghahanda siya ng pagkain kasama ng kasambahay sa kusina.
Alam niyang naging napakasama niya kay Madeline nitong mga nagdaang taon. Noon kinamuhian niya rin si Madeline noong manugang niya pa ito.
Pero kahit anong mangyari tao pa rin siya na nakakaramdam. Kahit gaano siya ka padalos-dalos, di niya mababalewala ang katotohanan na iniligtas siya ni Madeline noong araw na yun.
Kahit na ayaw niyang aminin ito, nagsisi siya.
Dahan-dahang lumapit si Meredith at nagatataka nang makita niya ang eksenang ito. Tapos narinig niya ang kasambahay na tinatanong si Karen, "Madam, bakit ang daming putahe? May mga bisita ba mamaya?"
Maganda ang timpla ni Karen ngayon. "Pauwi na ang young madam."
"Ang young madam?" Naisip ng kasambahay si Madeline. "Tinutukoy mo ba si Ms. Montgomery? Diba hiwalay na sila ni Mr. Whitman? Atsaka mukhang di mo din siya gusto, Madam."
Mukhang nahiya si Karen. Tapos sinabi niya, "Pwede ka naman

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil