Kabanata 87
Napakalamig ng panahon.
Sa sobrang lamig agad na nagyelo ang puso ni Madeline.
Subalit, umaasa siya na sana mas lumamig pa. Mas maganda kung sa sobrang lamig ay mamanhid na ang kanyang buong katawan.
Para hindi niya siya makaramdam ng sakit kailanman, sa katawan man o maski sa kanyang puso.
Nakita ni Jeremy na hindi man lang nanlalaban si Madeline. Kaya tumigil siya sa ginagawa niya at hinila si Madeline habang nanginginig ito.
Nakita niya na kasing puti ng niyebe ang kanyang mukha at walang kahit na anong kulay dito. Mukha siyang isang manyika na tinanggalan ng dugo mula sa katawan nito. Ang natitira na lang ay ang panlabas nito.
Biglang nakaramdam ng takot si Jeremy. "Madeline, Madeline…"
Tinatawag niya ang kanyang pangalan pero hindi siya sumasagot.
"Madeline, 'wag kang magpanggap na patay! Ang sabi ko magsalita ka!" Napakabilis ng tibok ng puso ni Jeremy na pakiramdam niya ay sasabog siya. Bumalot sa kanya ang isang takot na kahit kailanman ay hindi pa niya naramdam

Haga clic para copiar el enlace
Descarga la aplicación Webfic para desbloquear contenido aún más emocionante
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil
Encienda la cámara del teléfono para escanear directamente, o copie el enlace y ábralo en su navegador móvil